49 - Baka ...

49 2 0
                                    


March 15, 2012

Dear Diary,

Medyo naiinis na ako sa pinsan ni Jasmin na pamangkin ni Tiyo Julio, siya ang nag-iisang lalaki na kasama naming kakanta ng mga kapatid ko. May rehearsal ngayon sina Jasmin at ang mga abay dito sa simbahan at hindi pumayag si Jasmin na hindi kami kasama. Para daw ma-practice namin ang kanta. Lumuwas pa si Ate Quey kagabi at sa bahay tumutuloy ngayon. Sa Friday naman ay luluwas sina Mama at Papa kasabay si Kuya Mark at si Queenie. Sa apartment namin tutuloy sina Ate at sina Mama at Papa na lang ang kina Tiya Lizeth.

"Bakit hindi ako pwedeng manligaw kung wala ka naman palang boyfriend?" giit pa ni Dave sa akin. Kakatapos lang naming mag-break at kung bakit kase dito ko pa naisipang tumambay sa choir area.

"Kase, may hinihintay ako," napipilitan kong sagot. Dinampot ko na lang ang music sheet at ipinagpasalamat ko nang pumunta na rin dito sina Ate Quey kasabay ýung pianist na si Kuya Ernest. Lumapit din sa amin si Jasmin na kanina lang ay nakikipag kwentuhan sa kaniyang mga abay.

"Okay lang kayo mga cous?" usisa niya sa amin. Sasagutin ko sana siya ng hindi pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.

"Wala pa rin ang boyfriend mo Jas? Darating ba ýon?" tanong naman ni Ate Quey dito. Kanina pa kaming umaga nagsimula sa rehearsal pero wala pa rin ang boyfriend ni Jasmin. Sabi nito ay hahabol daw dahil may meeting pa daw na pinuntahan.

"Nasa meeting pa siguro, napaka-busy person kase no'n," ani Jasmin na tumingin pa sa kaniyang relo.

Buti at natatagalan niya ang attitude ng boyfriend. Kami nga umabsent pa sa mga trabaho namin para lang pumunta dito, tapos sya itong groom, sya pang parang walang pakielam. Sabi ni Jasmin mabait daw ang boyfriend niya kaya lang napaka workaholic daw at anti social. Ni wala silang prenup photos dalawa dahil ayaw daw nito. Hanggang ngayon nga ay hindi pa namin nakakaharap at hindi ko pa rin alam ni pangalan. Pumunta daw sa bahay noong isang araw kasama si Jasmin at nagdala ng invitation pero hindi man lang daw bumaba sa kotse.

Nang tumunog ang cellphone ni Jasmin ay napangiti ito ng malapad at nagniningning ang matang tumingin sa amin.

"He's here, susunduin ko lang," aniya at excited na tumalikod at naglakad sa gitna ng aisle patungo sa labas.

"Meg, praktisin natin 'tong pagpasok ni Jas sa entourage," sabi ni Dave na sinang-ayunan ko na lang.

Nagsimula namang tumugtog si Kuya Ernest at naunang kumanta si Dave. In fairness maganda naman din ang boses niya, pero ewan ko ba kung bakit ako kinikilabutang maka-duet siya. Tumitingin pa siya sa akin habang kumakanta at parang gusto ko siyang irapan kundi lang ako nagtitimpi. Noong part ko na lumunok pa ako at dinako ko na lang sa music sheet ang paningin ko kahit memorize ko naman na ang kanta.

Ikaw ang pag-ibig
Sa araw at gabi
Ikaw ang pag-asang tanglaw sa dilim
Napapawing hirap at pighati...

Langit ang buhay
Sa twing ika'y hahagkan
Anong ligaya
Sa twing kitaý mamasdan
Sa piling mo
Ang gabiý tila araw
Ikaw ang pangarap
Ikaw lamang

Ikaw ang pag-ibig
Sa araw at gabi...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon