08 - Casanova

206 4 7
                                    

A/N: Thanks sa mga tumatangkilik ng story na 'to. Sa mga SPCian para sa inyo 'to. Take ko na rin 'yung opportunity to discuss the school i used in this story... old school ko po 'yon, pero naka-one sem lang ako. BSA din ako do'n kaya naman inspired ako na isulat ang Casanova's Diary. Kasi 'yung pangarap ko na hindi ko na-achieve itutuloy ko sa katauhan ni Megan... ^-^

Pero clarify ko lang po pangalan lang po ng school 'yung ginamit ko since ang main settings po ng story ay sa lugar na kilalang-kilala ko--obviously marami pong hindi magtutugma sa expectation nyo sa school like 'yung class sched, etc. Fiction pa rin po ito, hindi po ito true to life story, lalong hindi po kwento ng buhay ko--haha!! Product lang po ito ng imagination ko na gusto kong iugnay sa mga bagay bagay sa totoong buhay.

Nagkakaintindihan naman po tayo ano po?

Happy thoughts po!!!

Enjoy reading!

***Ngayon ko lang po ulit ito ipo-post at hindi ko na uulitin sa mga susunod na chapters:::please! please! please! Kung nagustuhan nyo po 'yung bawat chapter na nababasa nyo (online readers)----VOTE, COMMENTS and SHARE po ay WELCOME na WELCOME! =) Pero kung ayaw nyo naman po ay SURE! OKAY lang din po. STILL.... BIG THANKS po sa pagbabasa ng CASANOVA's DIARY/// and also sa nagbabasa ng TSAI n_n.



Ay sya eto na...




****

June 04, 2007

Dear Diary...



Nagkakagulo ang mga ka-klase kong babae pagpasok ko ng room namin para sa unang subject ko ngayong araw. May pinaliligiran sila at mga kilig na kilig.



Ano kaya 'yon? Men's magazine siguro. Sino na naman kayang malakas ang loob na nakapagpuslit noon dito sa loob ng campus? Napapailing na lang ako habang inookupa ang upuan ko. Dumating na rin si Khalil, ang kaibigan kong galing sa Maynila na taga-Rizal, transferee din sya dito noong second year kami at siyang dahilan kung bakit wala akong kaibigang babae dito sa mga classmates ko. Meron namang mga pumapansin at kumakausap sa akin pero konti lang-sina Luiza, Carol at Jaja, pero wala pa yata sila. Hindi ko pa sila nakita. 



"Musta?" tanong niya sa akin. "Na-miss kita."



"Pasalubong ko asan?" nakalahad ang kamay na tanong ko naman sa kaniya.



"Eto," aniya at mabilis akong ninakawan ng halik sa pisngi. 



Namula ang mukha ko at pinagsusuntok ko siya sa braso. Sanay naman na ako sa lalaking 'to. Hanggang ganyan lang din ang ginagawa niya sa akin. Inamin niya dati sa akin na crush niya ako, pero hindi daw niya ako liligawan dahil mas gusto niya akong maging kaibigan. Ang magkarelasyon daw kasi naghihiwalay, ang magkaibigan hindi.



"Mas lumakas ang suntok mo, nag-practice ka ba ng boxing noong summer? Pwede mo ng tapatan si Pacquiao eh," nakangiwi niyang sabi.



"Kaasar ka kasi eh. Kadarating mo lang minumulwestya mo na ako."



Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon