April 06, 2004
Dear Diary,
Commencement exercise namin kanina. Muntik pa akong naiyak habang dinideliver ko 'yung salutatory address ko. Hindi lang kasi para sa pamilya ko ang speech na iyon, inaalay ko rin iyon kay Iñigo.
Limang taon na ang lumipas. Ang bilis. Pero ni minsan hindi ko siya nakalimutan. Siya pa nga ang naging inspirasyon ko sa pag-aaral. Gusto ko kasing maging matagumpay sa buhay. Dahil meron akong goal.
Gusto kong makarating ng Maynila pagkatapos ko ng college. Hahanapin ko sya kahit saang sulok ng Binondo.
Matagal na panahon na pero alam mo na hanggang ngayon siya pa rin ang nasa puso ko. Walang gabi na hindi ko tinanong ang sarili ko kung bakit bigla na lang siyang nawala? Akala ko bilang magkaibigan na kami magkakasama kami ng matagal. Pero ni hindi man lang siya nagpaalam sa akin na aalis pala siya ulit. Kung alam ko lang na iyon pala ang una at huling araw na magkakausap kami sana pala hindi muna ako umuwi. Sana pala pumayag ako na manghiram muna ng damit sa kaniya para nakapagkwentuhan pa kami ulit.
Kung maibabalik ko lang ang panahon...
💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖
June 07, 2004
Dear Diary...
First day of college life...
Sasapakin ko na talaga 'tong Gino na 'to. Bakit ba saksakan niya ng kulit?
Dito na ako ngayon sa tricycle. Papasok na ako. Sa malas nakasabay ko siya. Buti na lang at hindi kami pareho ng school kaya saglit ko lang titiisin ang kakulitan niya. Sa DLSP kasi siya nag-aaral, schoolmate sila ni Ate Quey, IT sya, si Ate BA. Ako naman sa SPC-San Pablo Colleges. Sosyal? Hindi naman. Actually student assistant ako kaya ako nakapasok doon. Accountancy kasi ang gusto ko na-course at dito sa bayan namin dalawang school lang ang nag-o-offer ng ganoong kurso. At sa SPC ko pinili kasi doon ang mas mura-ng konte.
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...