06 - Hate him...

189 5 1
                                    

May 03, 2007

Dear Diary...


Hapon na pero marami pa ring tao sa bahay namin nang dumating ako galing sa school. Binati ko lang 'yung mga nadaanan ko sa may sala at tumuloy ako sa kwarto para ilagay ang bag ko. Nagpalit na rin ako ng t-shirt at naghubad ng sapatos saka ako nagpunta sa kusina para tingnan kung anong pwede kong gawin do'n. Marami nga akong naabutang hugasin. Sinisimulan ko na ang pagliligpit sa mga kalat nang pumasok si Papa.


"Oh, Megan kumain ka na anak?"


"Busog pa po ako Pa, tsaka hinihintay ko pa sina Jingky at Sasha," sagot ko.


"Ay doon ka na muna sa labas, makipagkwentuhan ka sa mga pinsan mo. Bakit ba ga pumuwesto ka na agad diyan? Kadarating mo lang ih ang paghuhugas na ang inatupag mo. Magpahinga ka na muna. Hayaan mo na diyan si Princess," mahabang turan ni Papa. Ang mabait kong Papa. Napaka-swerte ko talaga sa kaniya. Ganyan siya kabait, hindi lang naman sa akin, sa aming lahat na rin. Pero kapag sa akin medyo angat nga 'yung treatment niya. Kase ako daw pinaka-matalino at pinakamaasahan eh. Si Marga kasi kapag inuutusan niya palagi siyang sinisimangutan at si Ate Quey nga eh nag-asawa agad kaya medyo tampo pa siya.


"Alah yaan mo na ako Pa. Lalangawin na ito. Baka pati pagod na si Marga maghapon siya dito," sagot ko na lang.


"Ku, ay wala namang ginawa 'yang kapatid mo. Maghapong gumala."


"Marami bang bisita kanina Pa?"


"Marami-rami din," sagot naman ni Papa. "Ay sya diyan ka muna."


"Baka naman nag-iinom ka Pa."


"Hindi, napa-tagay lang naman ng kaunti. Ako nga ay matutulog muna at ako'y inaantok. Buti at dumating si Gino, siya ang pumalit sa akin."


Ayun! Kaya close na close 'yang si Gino kay Papa eh, para na niyang anak. Taga-salo sa inuman, nakakatulong din niya sa mga panlalaking trabaho dito sa bahay.


Pag-alis ni Papa si Gino naman ang pumasok dito sa kusina.


"Oh loves! Dito ka na pala. Nagte-text ako sa'yo ah," sabi niya.


Sanay na ako sa pagla-loves ng lalaking 'yan. Hindi ako nagagalit basta wag lang sa harap ng maraming tao at baka nga kasi isipin eh boyfriend ko ang kumag na 'yan.


"Nasa kwarto ang cellphone ko. Ay kunin mo nga at baka nagte-text sina Sasha."


Sumunod naman siya. Ilang saglit lang bumalik siya rito bitbit nga ang cellphone ko. Nang kunin ko 'yon sa kaniya may dalawa nga akong text na galing kay Sasha at Jinky at iisa ang sinasabi ng mga ito, hindi sila makakapunta. Disappointed ako, sila lang kasi ang inaasahan kong bisita hindi pa natuloy.


"Oh, mukhang bad news ang natanggap mong text ah."


"Dami mong napapansin," nakasimangot na sagot ko. Sinilid ko sa bulsa ng pants ang cellphone ko at muli kong hinarap ang ga-bundok na hugasin.


"Ang taray nare! Tayo na lang sa bahay."


"Anong gagawin ko naman don?"


"Malamang kakain," sarcastic niyang sagot.


"May pagkain din dito," pilosopo ko namang hayag.


Napakamot ito sa ulo. "Ang labo mong kausap. Sige na kasi. Hinihintay ka nina Inay."


Ts! Ang kulit-kulit-kulit! Hay!


"Sige na sige na. Basta huwag mo akong ipapakilalang girlfriend sa mga bisita nyo ha," pagpayag ko na lang. Ngumiti naman siya ng malapad.


Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon