45 - Love matters

43 2 0
                                    


October 17, 2009

Dear Diary,

“Ready?” tanong ko kay Iñigo matapos niyang ihimpil ang sasakyan dito sa tapat ng bahay namin. Kinuha naman niya ang kamay ko at nakangiting pinisil iyon.

“Ready,” aniya.

Sinuot niya ang kaniyang shades at bumaba sa kotse saka ako pinagbuksan at inalalayan makababa. Dinig na dinig ko pa ang usapan ng mga nakatambay na mga ginang sa tindahan ni Na Dolor nang makita nila ako. 

“Abaý si Megan na iyan ano?”

“Pagkagandang bata lalo.”

At para di naman nila masabing suplada na ako, tutal dinig ko namang ako ang kanilang pinag-uusapan nilingon ko na rin sila at nginitian. Si Iñigo naman ay hindi nila yata nakilala dahil naka-shades kaya pagtalikod ko para ibaba ang mga dala naming pasalubong kina Mama ay siya naman ang napuna ng mga ito.

“Mukhang mayaman ang naging boyfriend.”

“At mukha pang artistahin.”

“Aba ay talaga namang makakakuha ýan ng ganyan ka-gwapo sa Maynila, sa gandang bata din naman eh.”

Sige lang po, pag-usapan nyo lang po kami. Ýung buhok ko po ay malapit ko nang maapakan.

“Mahal saglit lang ha,” nakangiting paalam ni Iñigo sa akin at kinuha ýung isang paper bag na sa pagkakatanda ko ay mga kapeng galing sa San Francisco ang laman. May pagbibigyan daw siya dito sa Sta. Cruz. At doon nga niya iyon dinala sa mga nakatambay sa tindahan ni Na Dolor. Dinig ko pa ýung malakas na tilian nila nang tanggalin ni Iñigo ang shades at ibigay ang dala sa mga ito.

Napangiti na lang ako. Ang tindi pa rin talaga ng charms ng fiancé ko. Kahit mga matatanda na kinikilig pa sa kanya.

Nang bumalik siya sa tabi ko ay kinuha niya sa kamay ko ýung mga bitbit ko. Suhestyon niya na mamili kami ng maraming pasalubong, ganoon daw ang namamanhikan.

Pagpasok pa lang namin sa terrace ng bahay namin ay sumalubong na sa akin si Marga na tuwang tuwa din makita si Iñigo, kinuha niya agad sa akin ang mga dala ko. Nasa sala naman sina Ate Quey at ang asawa niyang si Kuya Mark kasama si Queenie na mabilis lumapit sa akin at agad ko namang kinarga. Si Kuya Mark ang kumuha ng mga dala ni Iñigo at ipinasok sa kusina, noon pumasok si Papa na galing doon. Agad akong lumapit at nagmano. Kasunod ni Papa si Mama, sinalubong ko na at nagmano ako. Pero nang mapatingin siya kay Iñigo na nakatayo lang sa isang tabi ay biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Mama.

“Megan anong ibig sabihin nito? Bakit nandito ang lalaking ýan?” galit na sabi ni Mama. Ini-expect ko na rin naman talagang ganito ang magiging reaksyon niya sa una, pero napaghandaan na namin iyon ni Iñigo.

Sinenyasan ni Ate Quey si Kuya Mark na kunin sa akin si Queenie at sumunod naman si Kuya, lumabas din sila sa bahay.

“Ma, Pa, si Iñigo po, boyfriend ko,” iyon muna ang sinabi ko. Mamaya ko na sasabihin na may plano na kaming magpakasal para hindi naman sila mabigla.

Tiningnan ko si Iñigo nang makahulugan at agad naman siyang lumapit kay Mama para magmano pero nanggilalas kaming lahat nang sampalin ni Mama ng malakas si Iñigo.

“Binalaan na kita!”

“Ma!” natitilihang hinila ko sa kamay si Iñigo palayo kay Mama. Hindi ko inaasahan ang ganito.

“Tita, patawarin nyo po ako kung hindi ko kayang layuan si Megan, mahal ko po ang anak ninyo—”

“Magtigil ka!” agad na putol sa kanya ni Mama. “Umalis ka rito! Layuan mo ang anak ko!” pinagtulakan pa siya paalis kaya humarang na ako.

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon