Sunud-sunod akong napailing habang nakikinig sa sinasabi ni Doctor Perez. Ayaw tanggapin ng puso ko ang gusto niyang mangyari.
Hindi pwede...ayoko!
Naramdaman kong may lumapat na kamay sa balikat ko, pero hindi ko tiningnan kung sino. Nakilala ko na lang nang magsalita na siya.
"Iñigo, baka tama si Doctor--"
"No Mama! No!" maagap kong putol. Pakiramdam ko dinibdiban ako ng sobrang lakas. Sobrang masakit. Hindi ko kayang tanggapin. Hindi ako papayag! Ayoko!
"Nasasaiyo ang desisyon Hijo. Pero wala na talaga kaming magagawa--"
"Hindi Doc, please huwag mong sabihin 'yan. Mabubuhay sya Doc. Believe me mabubuhay sya." Pumatak na ang luha ko sa puntong iyon. Oo hindi ko ikinahihiyang umiiyak ako. Wala akong pakielam sa iisipin ng iba. Masyadong masakit ang sinasabi ni Doctor Perez. Pakiramdam ko unti-unti akong tinatanggalan ng buhay.
"I'm sorry Hijo. Pero as I told you, machine na lang ang bumubuhay sa kaniya."
"Doc hindi. Huwag muna. Please huwag muna. Handa akong magbayad kahit magkano, basta bigyan lang natin sya ng pagkakataong lumaban." Binalingan ko rin sina Mama na kagaya ko lumuluha na rin. "Ma, huwag muna. Hindi ko kaya. Bigyan nyo ako ng panahon. Bigyan pa natin siya ng chance. Please..." Halos lumuhod na ako sa harapan nila.
Niyakap naman ako ni Mama. "Ikaw ang masusunod Hijo," sabi niya.
What she said was a relief. Pero hindi pa rin nababawasan ni katiting 'yung sakit sa dibdib ko.
Naramdaman ko pa ang pagtapik ni Doctor Perez sa balikat ko bago ko narinig ang kaniyang mga hakbang palayo.
Pinayuhan ako ni Mama na umuwi muna. Masyado na daw akong stress. Baka daw bumigay ang katawan ko. Sila daw muna ang magbabantay dito sa ospital. Ayaw ko sana, pero napahinuhod ako dahil ayaw kong dagdagan pa ang alalahanin ni Mama. Alam kong naghihirap din ng higit ang kalooban niya.
Pagdating ko sa bahay dumiretso ako sa kwarto. Para akong mauupos na kandila. Naupo ako sa gilid ng kama at pinagsalikop ko 'yung mga daliri ko habang nakatingin ako sa picture nyang nakasabit sa wall.
"Bigyan mo ako ng sign na dapat pa kitang ipaglaban. Please, bigyan mo ako ng sign. Nahihirapan ako. Hindi ko 'to kayang mag-isa. Tulungan mo akong magdesisyon..."
Naibuka ko ang mga palad ko at napasubsob ako doon dahil hindi ko napigilan ang mapahagulhol ng iyak. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako umiyak ng ganito katindi. 'Yung hindi lang ako umiiyak dahil nasasaktan ako, kung hindi natatakot din ako.
Natatakot akong tuluyan na akong iwan ng BUHAY ko.
Matagal bago ko nakalma 'yung sarili ko sa pag-iyak. Pagtunghay ko naagaw ang atensyon ko ng puting paru-paro na lumilipad sa ibabaw ng maleta nya.
Nangunot 'yung noo ko? Saan nanggaling ang paru-paro?
Bigla ang pagsalakay ng mas matinding takot sa dibdib ko.
Marami akong mga naririnig na kasabihan kapag may nagpapakitang paru-paro-kamatayan o pagpaparamdam ng isang taong namatay ang ibig ipakahulugan noon ayon sa mga matatandang pamahiin na narinig ko.
Napatingin ako sa may bintana noong gumalaw ang kurtina na wari'y nahipan ng hangin. Nakabukas pala iyon. Pinilit kong itaboy sa isip ko ang ibig ipahiwatig ng paru-paro.
Muli akong napatingin sa larawan nya, and subconsciously ay napatingin ulit ako sa paru-paro. Nanlaki ang mata ko ng ganap kong maunawaan iyon.
That's a sign!
Hindi ako naniniwala sa mga ganito, pero dahil hiningi ko sa kaniya ng mula sa puso ko, baka nga pinakinggan niya ako.
Mabilis akong tumayo at nilapitan ko ang maleta saka ko iyon binuksan. Tumambad sa paningin ko ang mga damit niya at mga personal na abubot.
Alin dito? Ano ang sign? Nasaan?
Binuklat-buklat ko ang mga nakapatas na damit hanggang sa may makuha akong journal na nakalagay sa pinakailalim. Makapal iyon. Naka-bookbind na parang bible.
Muli akong tumingin sa picture niya habang hawak ko pa rin ang journal. "Makikita ko ba rito ang sign?"
Napamaang ako nang dumapo ang paru-paro sa journal.
Nandito nga kaya ang sign?
Nanginginig 'yung kamay ko habang binubuklat ko ang journal. Alam kong personal na gamit niya ito at nahihiya ako sa sarili ko na pinakielaman ko. But I'm such a helpless, at ito na lang ang alam kong tanging makakatulong sa akin para makapagdesisyon ako ng tuwid...
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...