Gabby’s POV
Banyaga ang silid na namulatan ko. Saglit kong nilibot ng tingin ang buong kwarto bago ako nanghihinang bumangon. Hawak ko pa ang aking ulo dahil gumuguhit na naman ang sakit.
Marahan akong bumaba at tinungo ang pinto. Hindi ko alam kung nasaan ako at hindi ko rin alam kung paano ako nakarating dito. Ang huli kong natatandaan kasama ko si Jasmin sa kotse.
Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob at ipinagpasalamat ko ng hindi iyon naka-lock. Maingat ko iyong binuksan pero hindi ko rin naituloy dahil nakita ko si Daddy na kausap si Jasmin. Bahagya ko iyong muling isinara at nag-iwan lang ako ng konting siwang para marinig ko ang usapan nila.Kung gano’n, magkakilala sila ng Daddy ko? Paano?
“Alisin mo na siya rito at dalhin mo sa ibang bansa kung kinakailangan, basta malayo kay Iñigo,” anang boses ni Jasmin.
Iñigo? Ibig bang sabihin konektado ako kay Iñigo?
“Dadalhin ko ang anak ko kung saan ko gusto. Hindi mo ako kailangang utusan,” sabi naman ni Daddy.
“Binabalaan kita Franco, sa susunod na makalapit pa ang Megan na ýan kay Iñigo, papatayin ko sya!”Megan? Ako ba ýon? Ako ba ýung Megan na tinutukoy niya? Kung gano’n ako si Megan?
“Subukan mong kantiin ulit ang anak ko, ipapalibing kita ng buhay.”
“At sa tingin mo ba natatakot ako saýo? Baka nakakalimutan mo na nasa akin lang naman ang alas. Kapag may nangyaring masama sa akin, ikakanta ka ng taong pinagsabihan ko sa malaking sikreto mo.”“A-anong sikreto?” hindi makapaniwalang sabi ko. Hindi na ako nakapagtimpi sa pakikinig lang kaya napilitan akong lumabas para harapin sila.
Alala ang mukha ni Daddy nang humarap sa akin at tangkang lalapitan ako pero pinigilan ko.
“Huwag! Huwag kang lumapit. Hindi kita kilala.”
“Gabby anak—”
“Hindi! Hindi ako si Gabby! Ako ba si Megan? Sabihin ninyo ako ba sya?”
Tulirong nakatingin lang sa akin si Daddy at hindi ko napigilan ang mapaiyak dahil sa mga katotohanang narinig ko. All this time niloloko lang nila ako. Pinaniwala nilang akong si Gabby? Pinagsamantalahan nila ang amnesia ko.
“Niloko nýo ako! Niloko nýo ako!” sigaw ko bago ako mabilis na tumakbo palabas.
“Gabby anak!” dinig kong tawag ni Daddy pero hindi ko na siya pinansin at tuloy-tuloy lang ako sa pagtakbo. Dinig ko pang isinigaw niya sa kaniyang mga tauhan na habulin ako at maswerte na paglabas ko sa kalsada ay may dumaang taxi. Agad ko iyong pinara at mabilis akong sumakay.“Kuya, alam nyo po ba ýung San Lorenzo Village?” tanong ko sa taxi driver, hindi alintana ang patuloy na pagpatak ng mga luha ko.
“Oo ineng. Napaano ka? Sino ýung mga humahabol sa iyo? Gusto mo bang sa presinto kita ihatid muna?” alalang sabi naman ng mabait na tsuper.
Umiling naman ako. “Pakibilisan na lang po natin kuya.”
“Sige Ineng,” pagsang-ayon na lang ng tsuper na tila nakikisimpatya sa akin.
Habang tahimik na bumibyahe ay hindi ko napigilan ang isipin kung sino si Iñigo sa buhay ko. At unti-unti ay lumilinaw siya sa lahat nang pangyayaring naaalala ko. Ang kasal namin, ang masasayang sandali na magkasama kami. Ýung alaala na nakaharap ako sa bahay niya sa San Lorenzo na may nakayakap sa likod ko, siya pala ýon. Pati ýung mga sandali na tumutugtog kami ng gitara.
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...