51 - Memories

43 2 0
                                    



Gaya ng inaasahan ko na, hindi naging madali sa pamilya ni Jasmin ang patawarin ako sa pang-iiwan ko dito sa altar. Umani ako ng hindi mabilang na suntok sa kaniyang ama at sa mga kapatid na lalaki. Lahat ay tinanggap ko. Kasalanan ko ang lahat kaya dapat lang ang ginawa nila sa akin.




Nang magkaharap kami ni Jasmin ay kitang-kita ko ang sakit sa mga mata niya pero hindi niya ako sinaktan, halip nagmakaawa siya na ayusin namin kung anuman ang problema namin. Nagmakaawa siyang huwag kong iwan. Masakit din sa akin na makita siyang masaktan, may pinagsamahan kami kahit papaano. Naging kaibigan ko siya noong nasa Stockton pa ako. Pero gaya ng nararamdaman ko para kay Sophie, hanggang doon lang din siya. Isang babae lang ang inilagay ko sa pedestal, at walang sinumang makakapalit sa kanya.




"Kapag iniwan mo 'ko ipapalaglag ko ang batang dinadala ko Iñigo," matigas na sabi ni Jasmin nang tumalikod na ako para iwan siya.




Mapait naman akong napailing at muling humarap sa kanya. Hangga't maaari ayoko na sanang sa akin manggaling na alam ko na ang lahat nang pagpapanggap niya pero wala akong pagpipilian ngayon kundi ipamukha ýon sa kaniya.




"I already know that you're not pregnant, Jasmin."




Namutla siya sa sinabi ko. At bago pa siya makapagsalita ay muli ko na siyang tinalikuran pero dinig ko pa ang huling sigaw niya habang papalayo ako.




"Hindi ko hahayaang maging masaya kayo ni Megan! Sisirain ko kayo!"




A week later ay naabutan ko nga si Jasmin sa condo ko habang sinasaktan niya si Megan.




"Akin si Iñigo, Megan! Akin sya! Ahas ka!"




Hinila ko siya palayo kay Megan na nakahandusay sa sofa at hindi makapanlaban. Nanggilalas ako dahil mahina pa ang katawan ni Megan at hindi ko na nga pinayagang bumalik sa trabaho para makapagpahinga. Kung hindi lang mali ang pumatol sa babae ay baka nagawa ko na dahil sa ginawa niya. Sa galit ko nga ay nasigawan ko na siya.




"Umalis ka na Jasmin habang may natitira pa akong respeto saýo! Umalis ka na!"




Namutla siya at hindi makapaniwalang lumabas. Niyakap ko naman si Megan na namumula ang mukha dahil sa tinamong sampal mula kay Jasmin. Doon ko nalaman na sinadya pala ni Jasmin na pakantahin siya sa kasal sana namin. Nalaman pala ni Jasmin na siya ang babaeng mahal kong pilit kong kinakalimutan noon dahil sa tuwing magkikita kami at iinom ay palaging pangalan ni Megan ang sinasambit ko. Even the time that I was making love with Jasmin, si Megan pa rin ang tinatawag ko.




Nag-research si Jasmin tungkol sa amin ni Megan. Nalaman nitong may bahay ako sa Sta. Cruz at nalaman na sa SPC ako nag-graduate kaya napagtanto nito na ang pinsan nito ang Megan na palagi kong sinasambit.




To make sure that Jasmin won't bother Megan anymore, lumipad kami sa Barcelona. Nagpakasal muna kami ng civil temporary at hinawakan ko ang branch ng I & I doon. Dahil sa nangyaring miscarriage kay Megan noon ay hindi kami agad pinalad na magka-baby habang nasa Barcelona kami.




After a year ay bumalik kami dito sa Pilipinas gaya ng pangako ko sa pamilya ni Megan. Itinakda namin ang engrandeng kasal namin sa Misibis Bay Resort, I rented the whole place exclusively for our guests. Kumpara sa dapat na kasal ko kay Jasmin, ako ang naging punong abala sa kasal namin ni Megan. Ako ang pumili ng venue para sa outdoor wedding namin and I chose Misibis Bay kahit na matindi ang pagtutol niya.




Megan is never fond of my wealth. She's never a materialistic. Kung gaano siya kasimple noon ganoon pa rin siya. Nagulat pa nga ako nang malaman ko na lahat pala nang mga alahas na ibinigay ko sa kanya noon iningatan pa rin niya. Hindi man lang siya nagtangkang isangla ýon o ibenta kahit noong panahon na kailangang-kailangan nila ni Marga. Pati ýung binigay sa kanya ni Daddy noong college pa kami nakatago lang din, balak niya sanang ibigay kay Dad noong bago kami umalis papuntang Barcelona pero sa huli itinago na lang niya. Napatawad na namin pareho si Dad pero sa kasal namin si Grandpa ang tumayong magulang ko at ang kinalakihan niyang Papa ang tumayo para sa kanya.

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon