...
"Wooh! Sarap ng hangin!" sigaw ni Gino habang nakaharap sa ilog. "Sarap maligo."
"Gino sakay tayo ng bangka, punta tayo sa falls," ungot ni Marga dito.
"Ala ang mahal-mahal Marge." Mahal talaga. Entrance pa lang may bayad na, mga wala naman kaming dalang pera at buti na lang eh nilibre kami ni Iñigo-abah, nabait! "Wala pa akong sweldo. Hayaan mo sa susunod, ibabalik kita dito."
Nangislap naman sa tuwa 'yung mata ni Marga. "Tayo lang dalawa?"
Tumango si Gino. "Iiwan kita dito tapos idi-date ko ang ate mo," nakatawang saad nito.
Nakasimangot na napahalukipkip lang si Marga.
"Loves pa-picture tayo dali," baling sa akin ni Gino.
"Ayoko," nakanguso naman na sagot ko.
"Dali na." Tumingin pa ito kay Iñigo. "Brod, kunan mo naman kami sa cellphone mo, remembrance lang."
"Sige," kaswal na sagot naman nung isa saka nilabas 'yung cellphone mula sa bulsa. Ang gara kaya ng phone nya, Nokia na slide di ko alam kung anong model, basta ang ganda-ganda nakakahiyang itabi sa aking 1100.
Napangiwi ako ng akbayan ako ni Gino, bahagya pa niya akong kinabig para mas mapadikit ako sa kaniya.
"Smile naman loves," sabi pa nya saka humarap kay Iñigo.
Bumilang naman 'yung isa ng one-two-three saka kami pinicturan. Pagkatapos ko siyang pagbigyan siniko ko siya ng malakas sa tagiliran. Si Iñigo naman ay sinundan ng tingin 'yung dumaan na seksing babaeng sa sobrang iksi ng short nag-panty na lang sana ng hindi siya doble-doble. Tapos may dumaan ding isang grupo ng mga babaeng mukha ring mga hostess ng club sa mga suot. Nag-hi pa sila kay Iñigo, at ang lalaki??? Kinareer!! Nakipagkilala pa ha? At hindi pa 'yon doon nagtatapos, sumama pa siya sa kanilang maglakad-lakad. At 'yung babaeng papansin kunwari hirap na hirap maglakad at kunwaring madadapa, kuntodo alalay naman 'yung bwiiiiiiiseeeeetttttt na lalaki!!!!
"Te, i-kwek-kwek na lang natin 'yan," pang-aasar sa akin ni Marga.
Tiningnan ko naman siya ng masama.
****
Naaasar pa rin ako sa tuwing maiisip ko 'yung mga eksena sa Pagsanjan kanina. Okay na sana eh. Nabubuhayan na 'ko ng konting-konting pag-asa. Kaso nature na yata talaga 'yun ng damuho eh. Bakit ba ang babaero nya???? Kainis!
*Ang mahiwagang mensahe!*
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...