46 - Bakit ako?

49 2 0
                                    

"Did I hurt you?" masuyong tanong sa akin ni Iñigo na ngayon ay nakahiga na dito sa tabi ko. Umiling lang ako at ngumiti. Hinaplos naman niya ang pisngi ko. "I have a secret to tell you," napapangiting sabi niya. Tiningnan ko lang siya at hinintay ang kaniyang sasabihin. "It's my first."


Tinawanan ko lang siya sa sinabi niya. I'm in a little sore dahil sa nangyari sa amin kanina lang kaya hindi ako makapagsalita. Nakalutang pa rin ang pakiramdam ko at parang hindi pa ako lubusang nakakabalik sa sarili ko.


"Hindi ba kapani-paniwala?" natatawa ding sabi niya.


"Well, not bad for the first timer," panunukso ko na lang. Mahirap paniwalaan na pareho naming first time lalo at mukhang alam na alam niya ang kaniyang ginagawa kanina. Pero kung totoo man, I'm honored. To be the first woman of a Casanova is really honorable.


"Talaga ba?" tila nahihiyang sabi pa niya habang natatawa. "Kase akala nyong lahat porke isa akong Casanova eh mahilig na talaga ako sa babae."


"Hindi ba?" panunukso ko pa, though alam ko naman na dati pa na front lang niya ang pagiging Casanova.


Umiling siya. "Kailangan ko lang makipaglapit sa mga babae para mahanap ko 'yung anak ni Daddy. Nakwento ko na 'yon di ba?"


"Eh anong ginawa mo sa babaeng 'yon? Napakarami nila ha."


Napangisi naman siya. "Talagang interesado kang alamin pa 'yan, Mahal? Kiss and tell?"

"Curious lang ako," napapakagat labi namang sagot ko.

Sumeryoso siya at tumitig sa akin.
"They were just part of my game plan. I just made them fall in love with me, at kapag nakuha ko na ang puso nila then iniiwan ko na. Hanggang doon lang ako, Mahal.


You are the first of everything to me. And I am so happy that I am also your first."


"Because to me, you are my everything, Mahal,"  nakangiti nang sagot ko.


"And I'm honored, Mahal. I love you." Hinalikan niya ako sa noo bago muli akong hinalikan sa labi. He claimed me once again for another round hanggang sa makatulog kami sa pagod.




***



October 18, 2009

Dear Diary,


Nagising kami ni Iñigo sa ring ng kaniyang cellphone. Inabot niya iyon at iniharap sa akin. "It's Marga," nagtatakang iniabot niya sa akin ang cellphone at agad naman akong napabangon para sagutin ýon.


"Hello Marga?" nagtatakang bati ko, dis oras na ng gabi at hindi niya ugali ang tumawag ng ganito. At malamang kay Iñigo siya tumawag dahil nasa sala ang bag ko at mula kanina ay hindi ko pa nabibistahan ang cellphone ko.


"Ate kailangan mong umuwi dito," umiiyak na sabi niya sa kabilang linya na ikinabahala ko.


"Bakit? Anong nangyari?"


"May kailangan kang malaman Ate, umuwi ka rito."


Nag-panic na ako ng tuluyan dahil sa paraan ng pagkakasabi ni Marga. Nararamdaman kong may problema.


"Uuwi ako, sabihin mo sa akin kung bakit ka umiiyak?"


"Si Mama Ate isinugod namin sa Medical."


Pagkasabi noon ni Marga ay naibagsak ko na lang ang kamay kong may hawak sa cellphone at nilingon ko si Iñigo. "S-si Mama... dinala sa ospital," biglang nanghinang sabi ko kasunod ang butil butil na pagpatak ng luha ko.


Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon