11 - His POV #1

172 5 14
                                    

...



Kanina pa ako nabu-bwiset sa mga babaeng kasama na naman ni Iñigo dito sa library. Actually nauna sa kanilang dumating si Iñigo. Ewan ano tumatakbo sa isip at dito sa library tumambay. Wala pa akong fifteen minutes kanina na nakarating dito sa library ng pumasok din siya. Kumuha lang siya ng book sa shelf at naupo dito sa mesang nasa may harapan ko at hindi pa siya nag-iinit sa inuupuan niya nung magsidatingan 'yung apat na babaeng sa pagkakatanda ko ay mga third year BA. Nakishare sila ng table kay Iñigo samantalang ang daming bakante. At mga obvious talaga na nagpapapansin ang mga bruha. Panay kausap nila dito at pabor na pabor naman sa lalaki!!!!



Ayun nga at panay hagikgikan na sila do'n. Inis na tinuktok ko 'yung ballpen ko at nakuha ko naman ang atensyon nila.



"Can't you see the sign?" mataray na sabi ko sa kanila.



"Ow, sorry..." maarteng sabi naman nung isang babae with matching irap pa sa'ken.



Abah ang maldita nito ah! Pasalamat siya at mahaba-haba ang pasensya ko kung hindi baka nabato ko talaga siya. 



Si Iñigo naman nag-wink lang sa'ken. Isa pa 'to!! Hindi na ba matatapos ang pagdurusa ko sa lalaking 'to???



Pinukol ko siya ng matalim na tingin bago ko muling niyuko ang lesson na inaaral ko, may quiz kasi kami sa Law mamaya kaya sinasamantala kong mag-review.



Noong mag-bell na nagsi-alisan na 'yung maaarteng estudyante pero kinagulat ko nang makita kong nando'n pa rin si Iñigo. Nakaupo pa rin siya at nakapangalumbaba at----nakatitig sa'ken. Ts! Ano ba talagang trip neto?? Nako-conscious na ako sa titig niya, nakakainis!



Ni hindi man lang niya tinatago ang pagtitig sa'ken, talagang obvious. And what's worst? Kinindatan lang naman niya ako ng makita niyang tumingin ako sa kaniya.



Ahhhh!!! Iñigo dela Torre ano bang problema mo???




                                  ****



"Sinusundan mo ba ako?" inis na tanong ko kay Iñigo ng sa paglingon ko ay makita ko siyang nakabuntot sa likuran ko.



Mula kaninang tanghali, ngayon lang siya lumabas ng library. Hindi ko alam kung may klase rin ba siya ng ganitong oras, ang alam ko lang ay magkikita na naman kami mamaya sa last subject ko na Financial Management II. Narinig kong hindi daw na-credit ng school 'yung ilang units na tinake niya sa previous school niya kaya overload siya ngayon.



But anyway...hindi 'yon ang issue talaga, kundi ang pagsunod niya sa'ken ngayon. May klase ako ng Law 2 at sa pagkakatanda ko hindi ko siya classmate do'n kaya bakit siya nakasunod sa'ken?

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon