Naabutan ko si Euseph na nag-aabang sa labas ng office namin nang dumating ako. May tangan siyang isang bouquet ng mixed yellow and pink flowers. Alanganin pa ang kaniyang ngiti nang makita ako.
"Meg, I want to apologize for what happened yesterday," simula niya.
"'Wag mo nang ipaalala 'yon, Euseph." Ayoko nang maalala ang nangyari kahapon. 'Yung halik ni Iñigo, 'yung pagwasak niya sa pag-asang kinakapitan ko. Ayoko na 'yon lahat maalala.
"But I'm still sorry for my behavior. Please forgive me. Ayokong magalit ka sa 'ken."
Pabiro ko siyang sinimangutan. Hindi ko rin naman kase siya kayang tiisin. Napakabuti niya sa akin kahit bago lang kaming naging close. "Oo na. Hindi naman ako galit. Napikon lang siguro."
Sa pagkakataong iyon ay ngumiti na siya at may panggigigil na pinisil ang baba ko. "I miss you sweetie. Hanggang gabi mo akong di pinansin."
Hindi ko na sinabing lumabas ako kagabi at nakatulog ako sa unit ni Iñigo kaya hindi ko nasagot ang mga tawag niya.
"Para sa 'ken ba 'yan? Amina at papasok na ko," tukoy ko sa bulaklak.
"Ah yes, this is for you. Hindi ko maiabot kanina, baka kase ihampas mo sa akin pabalik eh."
Inirapan ko lang siya na ikinatawa niya.
"What is the meaning of this?"
Sabay pa kaming napatingin ni Euseph sa babaeng nagsalita sa tabi namin. Si Euseph ay rumehistro ang kasiyahan sa mukha samantalang ako ay poker face na tiningnan lang ang bagong dating na mukhang rarampa sa suot na spaghetti strap na satin dress na hanggang kalahati lang ng legs ang haba at pagkataas na heels na kung ako siguro ang magsusuot ay pipiliin ko na lang mag-apak.
"Sophie! You're here!" bulalas ni Euseph. Nilapitan niya si Sophia at niyakap. Nakwento sa akin ni Euseph na three weeks sa Canada si Sophia dahil sa launching ng bagong Isabelle's shoes na ito ang model.
"Yes I'm already here. So can you please explain to me on what's going on between you two?" sabay harap niya sa akin, "And what are you doing here?"
"Sad to say we work on the same company," I said with a smirk. Nanlaki naman ang mata niya na parang di makapaniwala saka muling binalingan si Euseph.
"And you didn't tell me about this?"
"Let's talk in my office," sabay hila ni Euseph kay Sophia. Nilingon na lang niya ako and mouthed "let's talk later."
Napapailing na lang ako at tumuloy na ako sa mesa ko. Nasulyapan ko pa si Daniel na nakatingin sa akin at biglang nag-iwas nang magtagpo ang mata namin.
"Sila Kara?" tanong ko sa kanya. Wala pa kase si Kara at Gretchen samantalang late na akong dumating.
"Baka masasakit ang ulo," sagot niyang hindi tumitingin sa akin.
"I'm here!" masiglang sabi naman ni Kara na kakapasok lang.
Nang sumunod na oras ay naging busy na ako sa trabaho. Dito ko na lang binuhos ang buong isip ko para hindi na makasingit si Iñigo. There's no room for him now.
"Megan!" bigla ay tawag sa akin ng pamilyar na boses ng babae na nakapagpatigil sa ginagawa ko sa computer. Tumingin ako sa may pinto at nakita kong nakatayo doon si Sophia. "Come out, I have something to tell you."
Pinigilan ko ang sarili kong sigawan siya ng 'neknek mo!'. Halip ay tumayo ako at pinuntahan siya sa labas ng office.
"What is it?" tanong ko. Pinag-cross ko pa ang mga kamay ko sa dibdib.
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...