25 - Be happy Megan

62 3 0
                                    

October 15, 2007

Dear Diary,

Bagsak ang mga balikat ko nang lumabas ako sa office ng Dean namin. Ipinatawag niya ako dahil hindi daw maganda ang mga nakuha kong grades noong semi at kung ganoon pa rin daw ang makuha ko sa finals ay mahihila daw ang overall grades ko at baka maalis ako sa pagiging student assistant.

Ngayon ko lang na-realize na ang laki ng naging epekto sa akin ng paghihiwalay namin ni Iñigo. Kaya lang kahit anong galit ang maramdaman ko para sa kaniya ay hindi ko magawa. Kasalanan ko rin naman kaya wala akong ibang dapat na kagalitan kundi ang sarili ko.

Habang naglalakad ako sa hallway ay nakita ko siyang nakatigil sa isang gilid. Tila may hinihintay. Bumigat ang mga paa ko lalo na ng tumingin siya sa akin. Ilang araw ko na rin siyang nakikitang palaging mag-isa. O baka hindi ko lang nati-tyempuhan na may ka-holding hands siya.

Habang papalapit ako sa kanya ay papabilis ng papabilis ang pintig ng puso ko, at hindi ko kinayang makipagsalubungan ng tingin ng matagal. Ako na ang kusang nag-iwas.

"Was it really that hard to forget me?" mahinang tanong niya hustong magkatapat kami.

Napatingin ako muli sa kaniya at hindi ako nagkamali, para sa akin talaga ang tanong na iyon. Kita ko sa mga mata niya ang pakikiusap at gusto kong manlambot dahil doon.

Kailangan pa bang ipakiusap niya sa akin na kalimutan ko siya?

'Yes Iñigo. Sobrang hirap para sa akin na kalimutan ka.'

Kung kaya ko lang sanang isigaw sa mukha niya ang mga salitang ýon para makabawas man lang sana sa sakit na nararamdaman ko.

But instead I cleared my throat and faked a smile. "Sino bang may sabi saýong hindi pa kita nakalimutan? Who are you, anyway?"

Mukhang hindi man lang siya tinalaban sa sinabi ko dahil ganoon pa rin ang reaksyon ng mukha niya, nagmamakaawa, nakikiusap.

"Be happy Megan. I want to see you happy... because that's what you deserve," iyon lang at nakapamulsa siyang tumalikod.

Nasundan ko na lang siya ng tingin habang namamasa na naman ang mga mata ko.

Paano ako magiging masaya kung inalisan na niya ako ng karapatang sumaya?


***


October 22, 2007

Dear Diary,

Finals namin ngayon at sinigurong kong hindi lang ako basta papasa sa mga exams. Sa mga nakalipas na araw sinunod ko ang sinabi ni Iñigo kahit hindi iyon ganoon kadali. Pinilit ko siyang tanggalin sa sistema ko kahit hanggang matapos lang ang semester. Iginugol ko ang lahat ng atensyon ko sa pag-aaral. Pinipilit ko rin ipakitang masaya ako, sa tulong na rin nina Jaja, Carol , Luiza at Khalil.

Nagmamadali na akong umakyat sa third floor kung saan kami mag-eexam ng Major namin na Acctg 112 at 113, nakasalubong ko pa sila Camille pero hindi ko na lang sila pinansin.

"Sa Rodriguez daw tayo," mahinang sabi ni Camille kaya napatigil ako. Nilingon ko siya at binigyan lang niya ako ng supladang tingin. Tuloy-tuloy lang sila sa pagbaba.

"Dapat hinayaan mo na lang siyang umakyat," dinig kong sabi naman ni Lizie.

"Mabait din naman ako paminsan-minsan," natatawa pang sagot ni Camille.

Nagtatakang nasundan ko lang sila ng tingin. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanila. Nilabas ko ang cellphone ko at tinext ko si Khalil pero wala akong nakuhang sagot.

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon