May 23, 1999
Dear Diary,
Do you believe in love at first sight?
Ako dati hindi di ga? Pero bakit ganon 'yung naramdaman ko kanina nung makita ko sya? Bakit parang tumalon 'yung puso ko?
Diary sumagot ka! Nalilito ako. Hindi ko maintindihan...
"Megan bumili ka nga ng sampung pisong langis kina Dolor."
Inabot ni Mama sa akin ang pera. Kinuha ko naman 'yung bote ng langis at nagmartsa na 'ko palabas ng bahay. Malapit lang naman 'yung tindahan. Kabilang kalsada lang.
Pagtapos kong bumili pumihit na 'ko pabalik sa bahay namin. Napatingin ako sa malaking bahay na katabi lang ng bahay namin. Hindi naman totally dikit, pero 'yung mataas na pader lang nila 'yung pumapagitan. Bagong gawa 'yung bahay na 'yun ih. Ang yaman ng may-ari. Obvious naman, kase sila lang 'yung may ganyan kaganda at kalaking bahay dito sa barangay namin sa Sta. Cruz Putol.
Maraming mga tao sa labas nung mansion-oo mansion ang tawag namin doon, pati 'yung mga kapitbahay namin. Narinig ko kanina na nagtsi-tsismisan 'yung mga tambay doon sa tindahan, puro mayayaman lang daw ang bisita doon sa pagpapa-blessing. Inimbita naman daw sila pero mga nahihiyang pumunta. Kahit naman sina Mama. Isa pa dayo ang mga iyon. Hindi sadyang taga-rito kaya hindi namin talaga kilala. Katiwala lang pati sa bahay 'yung namahayag ng vocal invitation.
At dahil engross ako sa pagmamasid doon sa mansion ng dela Torre hindi ko napansin na may paparating palang sasakyan habang tumatawid ako ng kalsada. Mabuti na lang at may kamay na biglang tumulak sa akin kaya hindi ako nabangga.
"Hoy Nene! Titingin ka sa dinadaan mo sa susunod ha! Mapeperwisyo ako sa katangahan mo eh!" galit na sabi nung sumungaw na driver sa van na muntik nang makasagasa sa akin.
Namutla naman ako, hindi sa takot na muntik na nga akong nabangga, kundi sa takot sa paninigaw nung lalaki. Hindi kasi ako nakaranas na sigawan ng mga magulang ko kaya nanginig talaga ako. Mabuti na lang at 'yun lang ang sinabi at umalis na rin agad.
"Okay ka lang?" concern na tanong ng boses lalaki.
Noon ko lang naalala 'yung sumagip sa akin. Tumingin ako sa kaniya at...
NATIGILAN.
'Yung puso ko parang biglang nag-iba 'yung tibok. Napatitig lang ako sa kanya.
Akala ko dati sa palabas lang nangyayari 'yung mga ganitong eksena, 'yung may makikilala ka tapos sa unang pagtatama ng mata nyo parang biglang huminto 'yung paligid mo. Akalain mong posible pala talaga sa totoong buhay?
Talo ko pa ang nakakita ng artista sa sobrang pagka-shock ko. Kung hindi pa may tumawag sa kaniya hindi pa ako kukurap.
"Iñigo tawag ka ng Mommy mo," anang boses matandang babae.
"Opo!" sagot naman niya bago muling tumingin sa akin. "Mag-iingat ka sa susunod ha. Muntik ka nang nabangga," malambing na sabi niya saka inilahad pa ang kamay. "Ako pala si Iñigo. Ikaw?"
"A-ako??" natuyo yata utak ko. 'Yung pagkakatanong ko para akong may amnesia na hindi ko maalala ang pangalan ko. Ni hindi ko nagawang tanggapin 'yung kamay niya, nagpalipat-lipat lang 'yung tingin ko doon at sa mukha nya.
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...