30 - Elevator

48 2 0
                                    


August 17, 2009

Dear Diary,

Papasok na ako sa office namin nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Napatigil ako at lumingon. Nakita ko ang isang familiar na lalaking maganda ang ngiti habang papalapit sa akin. Naka-black na trouser siya at light green na polo na nakafold hanggang siko, mukhang hindi ko siya ka-trabaho. Hindi ko matandaan kung saan at kaylan ko nakita ang lalaki pero parang nakita ko na siya dati.


"Sabi ko na ikaw ýan," bungad niya hustong magkalapit kami.

Tinitigan ko naman siyang mabuti. Parang kilala ko siya pero hindi ko maalala ang pangalan niya at nahalata niya yatang hindi ko siya masyadong maalala kaya nilahad niya ang kamay.

"It's me Euseph, hindi mo na ako kilala?"

Hindi ko pa rin siya maalala kaya muli siyang nagsalita. "Sophie's twin. Iñigo's friend."

Noon ako napatango. Naaalala ko na. Kamukhang kamukha nga niya ang bruhilda niyang kapatid kaya familiar siya sa akin.

"Kamusta?" bati ko na nilakipan ko nang pilit na sigla. Hindi naman kami close, lalo at kapatid pa siya ng babaeng kinaiinisan ko.

"Ikaw, kamusta? Dito ka nagwo-work?" Buti at hindi siya inglisero kagaya ng kakambal.

"Oo. Ikaw?"

"Sa Graphics and Design ako. Nagkita na kayo ni President?"

Alam kong si Iñigo ang tinutukoy nya kaya tumango ako. Hindi ko alam kung hanggang saan ang alam niya sa aming dalawa.

"Sabay tayong mag-lunch mamaya, hihintayin kita sa baba, no buts." Pinisil niya ang baba ko bago tumalikod.

Nasundan ko lang siya ng tingin. Hindi pa rin siya nag-gain ng weight, payat din siya noong una kong makita. Pero kumpara noon mas maiglas siya ngayon.



***


Tinotoo ni Euseph ang invitation niya ng lunch. At hindi niya ako sa baba hinintay kundi dito mismo sa labas ng department namin. Inulan tuloy ako nang tuksuhan ng mga katrabaho ko.

"Baka takasan mo 'ko kaya nagsigurado na 'ko," nakangiting aniya nang lapitan ko sya.

Napangiti na rin ako. "Mukha bang iindianin kita?"

Tumawa siya at giniya na ako patungo sa elevator. Sa basement kami bumaba kaya batid kong sa labas kami kakain.

Gentleman si Euseph at sa sandaling nagkasama kami ay mabilis akong napalagay ang loob sa kaniya. Mukha rin siyang mabait at masayahin. Good conversationalist din siya at hindi nauubusan ng kwento kaya hindi rin kami nauubusan nang pag-uusapan. Malayo siya sa pagkakakilala ko noong una na tahimik at suplado.

"Saan ka pala nakatira?" tanong ni Euseph nang makababa kami sa kotse niya at ngayon ay pabalik na sa trabaho.

"Dýan lang sa Onyx."

Pinindot niya ang up button ng elevator sa basement at pinamulsa ang kamay. "Nagre-rent ka?"

Tumango ako.

"Hatid kita mamaya." Hindi ýon invitation kundi parang sinasabihan lang niya ako nang gagawin niya. Sasagot pa sana ako ng bigla niyang ilapit ang mukha sa akin. "No buts," sabay layo sa kaniyang sarili at nagmwestra na mauna akong pumasok sa bumukas ng elevator.



***


August 20, 2009

Dear Diary,

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon