June 16, 2007
Dear Diary...
Busy ako sa pagbabalik ng mga returned books sa shelves ng bigla na lang may magtakip ng mata ko.
"Khalil?"
Inalis niya ang kamay sa mata ko at nilingon ko naman siya. Pero hindi si Khalil ang tumambad sa akin kundi ang disappointed na mukha ni Iñigo.
"Kumain ka na?"
"Bakit?" tanong kong may kasamang irap sabay talikod ko ulit sa kanya. Pero dahil may lahi siyang makulit sinandalan niya itong shelf kung saan ko ibabalik ang huling book na hawak ko. "Umalis ka nga dyan!"
"Nope! Not unless sagutin mo ng maayos ang tanong ko," supladong sagot niya at nag-cross arms pa talaga dito sa harapan ko.
"Ano bang problema mo Iñigo?" medyo mahina pero pagalit na tanong ko. Kung wala lang kami sa library baka dinibdiban ko na ang lalaking 'to. Kung hindi nyo naitatanong eh Major S1 yata ako sa CAT nung high school.
Pero syempre kahit anong talim ng mata at bibig ko hindi ýun uubra dito sa kaharap kong may semento na yata sa mukha sa sobrang kapal. At sa sobrang kapal nga---
---teka!
"Ano ba Iñigo san mo ba ako dadalhin?" Bigla lang naman niya akong hinila palabas ng library at gustuhin ko mang pumalag wala akong magawa dahil ang laki niyang tao at ang higpit ng hawak niya sa braso ko.
"Bitiwan mo nga ako Iñigo, ano ba!"
Buti na lang at Saturday ngayon kaya wala masyadong tao dito sa campus kung hindi paniguradong pinagpi-pyestahan na naman kami ng mga usyusero't usyusera.
Nakarating kami sa labas ng gate ng campus at nanlaki ang mata ko ng parahin niya ýung papadaan na tricycle.
"Saan tayo pupunta?" takang-takang tanong ko pero hindi niya ako sinagot, instead pinilit niya akong pasakayin sa loob ng tricycle. Kung hindi lang kilala ko 'tong si Iñigo iisipin kong kinikidnap na ako.
At sumasama ka naman ng walang kahirap-hirap. Hmp! Eh sa malakas siya eh, hindi ako makapalag... okay na bang palusot ýun??? =P
"Kuya sa Sampaloc Lake po," sabi ni Iñigo sa driver ng makaupo siya dito sa tabi ko. Gulat na tiningnan ko naman sya at kinindatan niya lang ako. Ang siste! Syempre nag-iinit na naman ýung mukha ko dito. Yung makasama ko pa lang siya para na akong sinisilaban ng buhay, ano pa 'tong makatabi ko sya with bonus na kindat pa??? Talaga naman oh!!!
Gusto ko pa sana siyang awayin sa pagkaladkad niya sa'ken kaso hindi ko na kayang ibuka ang bibig ko kaya pinabayaan ko na lang siya sa kung saan niya ako balak dalhin. Kahit papano naman eh may tiwala ako sa lalaking 'to na hindi naman siguro niya ako gagawan ng masama. Casanova lang siya, hindi naman siguro siya rapist ano??
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
Lãng mạnMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...