34 - Good bye Iñigo

55 3 0
                                    

"Ikaw!" bulalas ko nang si Iñigo ang tumambad sa mata ko. Mukha siyang bagong ligo at nakasimpleng walking short at white shirt lang. Nakabagsak ang kaniyang malagong buhok na nagpa-alala sa akin ng aming kabataan. But then na relieved ako kahit papano. Atleast hindi pala ako nagkamali. Siya talaga ang sumundo sa akin kagabi.

"Yes it's me. Are you expecting someone else to enter?" he said like it's a matter-of-fact.

"Nasa'n ako?" tanong ko na lang din. Kinalma ko ang sarili ko at hindi ipinahalata sa kanya na kanina lang ay halos nanginginig na ako sa takot at frustration.

"You're in my place. I was worried that no one would assist you if I brought you to your dorm."

Kikiligin ba ulit ako sa pinapakita niyang pag-aalala? Tama na Megan. Aasa ka lang ulit. Yeah right. So I need to be more casual to him as much as possible.

"Asan ang mga damit ko at- " natigilan ako dahil nakita kong iba lang naman ang pagkakatingin niya sa akin. Nanlaki ang mata ko nang maalala ko na damit niya ang suot ko.

"D-did... did...something- " hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung paano ýun isasatinig.


Humakbang siya papalapit sa akin kaya napaatras ako. "If you're asking if something happened between us- "

"Meron?" nanggigilalas na tanong ko.

"Yes," seryoso ang mukhang sagot niya. Napatakip ako ng bibig at feeling ko ay biglang hinalukay ang sikmura ko.

Yumuko siya sa may tabi ko kaya nahigit ko ang paghinga ko at tarantang napaatras ako ulit pero inilapit lang niya sa paa ko ang isang pares ng cotton slipper. "Wear these," aniya saka tumayo.

"Nasukahan mo ako, pati ang damit mo. Ýun ang nangyari," pagtutuloy niya kasabay ang pagsilay ng ngiti sa labi. Ngiting ang tagal na nawala sa mukha niya. Akala ko hindi ko na ýon makikita pang muli-enough Megan! Ayan ka na naman, para ngiti lang lumalambot ka na naman. Ang unahin mong pagtuunan ng pansin ay ang sinabi niyang nasukahan mo siya. Oo nga pala! Gosh! Nasukahan ko sya? Nakakahiya shemay!

Pero para takpan ang kahihiyang ibinigay ko ay sinamaan ko lang siya ng tingin. "Hindi ako magso-sorry."

Balewalang nagkibit lang siya ng balikat.

"Sinong nagbihis sa 'ken?" I snapped him.

"I guess ako," he answered in a little sarcastic way at muli lang nanlaki ang mata ko.

Gosh! Binihisan niya ako? "Bakit ikaw?" Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa kaalamang nakita niya ang katawan ko.

"Don't worry. I didn't see anything, if that's what you worried about."

"Then pano mo 'ko nabihisan kung hindi mo nakita ang katawan ko? I hate you Iñigo! 'Wag mo kong gawing tanga."

Sumeryoso ang mukha niya at matiim na tumitig sa akin. "That's also what I'm thinking up until now. But one thing is for sure, kung nakita ko ang katawan mo..." naglakbay ang mata niya pababa sa katawan ko kaya nahigit ko ang laylayan ng polong suot ko subconsciously, "malamang... may nangyari."

Naiilang na iginawi ko sa ibang direksyon ang mata ko. Bigla akong nainitan kahit airconditioned itong kwarto.

"Dinala ko kanina sa dry cleaning ang damit mo," casual na pag-iiba niya. "Maya-maya lang ihahatid na rin ýun dito. Fix yourself first and follow me after. Naghanda ako ng breakfast," iyon lang at lumabas na siya sa kwarto.

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon