44 - Puppet

42 2 0
                                    



October 9, 2009



Dear Diary,



Nagising kami ni Iñigo sa maingay na tunog ng kaniyang cellphone. Maingat niyang hinagilap iyon sa bedside table at tiningnan.





"Sino?" curious na tanong ko.





"Just Sophie," balewalang sabi niya saka ibinalik ang cellphone sa bedside table at muli akong niyakap. Pero maya-maya ay muli iyong tumunog.





"Sagutin mo na kaya," sabi ko kahit lihim na naiinis ako. Ano bang kailangan niya kay Iñigo sa ganitong oras?





Napilitan nga si Iñigo na sagutin iyon at bigla siyang napabangon habang nakikinig sa sinasabi nito. "Okay wait for me. I will be there."





Pagkababa sa cellphone ay binalingan niya ako. Nag-aalala ýung mukha niya kaya nabahala ako at napabangon din.





"Si Euseph nasa ospital. Kailangan ko silang puntahan ngayon," aniya.





"Ha? Sige sasama ako," mabilis na sagot ko. Tumango naman siya at mabilis na kaming nagbihis.





Pagdating namin sa ospital ay agad sinalubong ng yakap ni Sophia si Iñigo. Umiiyak ito. Nang makalma ito ni Iñigo ay naupo sila sa waiting lounge at doon na ito nagbalita sa nangyari.





"Seph has gastric cancer, stage two," sumisinghot pang sabi nito. Gulat at alala naman kaming nagkatinginan ni Iñigo.



Ayon kay Sophia matagal na daw niyang napapansin na mukhang may sakit ang kapatid at matagal na rin daw nitong pinayuhan si Euseph na magpa-checkup pero matigas lang daw ang ulo nito. Kanina daw ay naabutan niya si Euseph na nakahandusay sa sala kaya isinugod niya agad sa ospital at doon pa lang nila nalaman ang kundisyon nito.





Sa sobrang pag-aalala ni Iñigo sa magkapatid ay hindi niya iniwan ang mga ito. Ipinasundo niya ako kay Mr. Ken at pinauna na akong umuwi sa condo. Labag man sa kalooban ko ay hindi na ako tumutol. Naaawa ako kay Euseph at sa pag-aalala ni Sophia pero may isang parte ko ang nginangatngat ng selos habang nakikita ko kung paanong mag-alala si Iñigo kay Sophia. Halos buong oras nga na nandon ako ay nakayakap lang sila sa isa't isa. At pinili ko na lang din ngang umuwi kaysa panoorin sila.





Bago ako umalis ay dinaanan ko muna si Euseph sa kwarto nito. May mga aparatong nakakabit sa katawan nito at nakakaantok daw ang gamot na itinurok ng doctor dito kaya bukas na daw malamang ang gising.





"Nakakaawa din ýung magkapatid na ýon," sabi ni Mr. Ken habang bumibyahe na kami pauwi. Tumingin lang ako sa kaniya at hinayaan siyang magkwento. "Ang Mommy nila namatay sa panganganak sa kanila kaya wala silang nakagisnang ina. Ýung Daddy naman nila inatake sa puso noong nag-aaral pa lang sila ng college. Walang natira sa kanila kundi utang sa bangko kaya pati bahay nila kinuha. Buti na nga lang mabait si Sir Iñigo. Kinupkop sila."





Nakakaawa nga din pala talaga ang pinagdaanan nila. Maswerte pa rin talaga ako kahit papaano. Sana ay gumaling si Euseph at malabanan niya ang sakit niya. Nasasaktan akong isipin ang kalagayan niya ngayon.





"Kilalang-kilala nyo po sila?" tanong ko na lang kay Mr. Ken.





"Oo naman. Matagal akong naging secretary ni Maám Isabelle. Madalas akong kasama ni Maám kapag pumupunta sa office ni Sir Franco."





"Eh nasaan na pala po si Sir Franco?" bigla ay naalala kong itanong. Hindi ko kase ýun matatanong kay Iñigo dahil alam kong ayaw niyang pinag-uusapan ang kaniyang ama.

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon