29 - It's You

47 2 0
                                    


June 10, 2009

Dear Diary,

Nangunot ang noo ko matapos kong mabasa ang text message galing sa HR daw ng KingAd Global Corporation. Ayon sa text nakuha daw nila ang pangalan at number ko mula sa list ng passer ng kakatapos lang na CPA Board Exam at gusto daw nila akong i-hire bilang junior accountant ng kanilang company.

Duda ako sa text kaya hindi ko muna ni-replyan. Ise-search ko muna ýung company kung legit ba ýun. Mahirap na.

“Megan,” tawag ni Manager Theo kaya napatunghay ako. Nakita ko siyang papalapit sa akin ng may napakalawak na ngiti. “Congratulations!” nag-offer pa sya ng handshake na tinanggap ko naman.

Hindi ko ipinapaalam sa mga ka-trabaho ko dito sa Isabella’s Taste ang tungkol sa pagiging board passer ko dahil baka asarin nila ako, kaya lang nai-post naman ng school sa labas ng gate kaya malamang na nakita na ýon ni Manager Theo.

“So saan ang target job mo?” tanong pa ni Manager Theo na tinabihan ako dito sa upuan ko sa may counter.

“Sabi po ng mga kaibigan ko mag-apply daw po ako sa banko…” bigla kong naisip itanong kung kilala niya ang KingAd Global Corporation, “pero Manager, familiar po ba kayo sa KingAd Global Corporation?”

Kumislap ang mga mata ni Manager Theo sa sinabi ko. “Oh bakit? Doon mo gustong mag-apply? Maganda do’n. Hiring ba sila?”

“Nag-text po sa akin ýung HR, gusto daw nila akong i-hire.”

“Go! Maganda ýon!” natutuwa pang sabi ni Manager.

Kaya lang ay hindi pa rin ako sigurado. Hindi naman kase ako nag-apply sa kanila kaya paanong bigla-bigla nila akong ite-text para magtrabaho sa kanila. “Pero Manager, di po kaya scam ýun? Hindi po kase ako nag-apply sa kanila eh. Nagtataka nga po ako kung paano nila nakuha ang number ko.”

“Malaking kumpanya ang KingAd, sila ang may-ari ng I&I.”

“I & I?”

Tumango si Manager Theo. “Ismael’s and Isabelle’s. Hindi mo alam ýon? Ýung sikat na designer’s bag and shoes?”

Nang hindi pa rin maalis ang pagkakakunot ng noo ko ay napatawa na si Manager Theo. “Hindi ka ba nagma-mall?”

Nakangiwi akong umiling kaya lalo siyang natawa. “Hayaan mo, sa susunod na Christmas Party pumunta ka rito, reregaluhan kita… ng wallet!” sabay tawa niya ng malakas. “Wallet lang ang affordable sa kanila eh. Anyway, hindi scam ýon. Minsan kase ang mga malalaking company na gaya no’n nakaabang na sa mga possible employee nila. Baka badly need nila ng accountant ngayon. Or, baka may backer ka sa kanila?”

“Parang imposible po eh, hindi ko nga po kilala ýong company eh.”

“Subukan mo pa rin. Kung doon ka papuntahin sa mismong office nila eh malamang na hindi scam ýon. Pero pag sa ibang lugar eh ‘wag ka maniwala. Baka  nga scam ýon. Tingnan mo sa google ang address nila para sigurado ka.”

Napatango na lang ako sa sinabi ni Manager Theo. Susundin ko na lang ang payo nya. Baka nga magandang opportunity ito para sa akin.

***

July 21, 2009

Dear Diary,

“Basta cous mag-iingat ka ha. Kapag hindi mo gusto sa inuupahan mo bumalik ka lang sa bahay.”

“Oo naman cous. Salamat ulit sa pagpapagamit ng kwarto, sa uulitin.”

Napangiti na lang ako matapos kong ibaba ang cellphone. Nag-aalala si Jasmin sa dahilan ng pag-alis ko sa kanila. Iniisip nya na baka daw nakukulitan ako sa mga kapatid nya o baka sinusungitan ako ni Tiyo Julio. Pero wala ni isa sa iniisip nya ang dahilan kaya ako umalis. Malayo lang talaga sa trabaho ko at kinakain ng travel time ang oras ko. Nag-rent na lang ako ng isang maliit na kwarto sa Makati at isang sakay na lang ng jeep patungo sa office.

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon