"Sorry sa ginawa saýo ni Sophie," sabi ni Iñigo ng nasa sasakyan na niya kami.
Hinaplos niya ang kabilang pisngi ko at naidalangin kong huwag sana niyang mapansin ang kabila, namumula pa rin kase ýon dahil sa pagkakasampal ni Sophia. Inilugay ko na nga lang ang buhok ko kanina at sinadyang itabing sa pisngi ko para hindi niya mapansin. Mabuti at sa kanan ýun.
"Masakit pa ba?" Napalunok ako nang hawiin niya ang buhok ko sa kanang pisngi at gaya nang inaasahan ko ay bumadha ang pag-aalala sa mukha niya. "Goodness! How could she have done this to you?"
Niyakap niya ako at paulit-ulit siyang nag-sorry. Kung hindi ko pa sinabing okay na ako ay hindi niya ako bibitiwan.
"Kamusta si Sophia?" tanong ko na lang.
"She'll be fine eventually. She's a tough girl just like you." Pinaandar na niya ang kotse at maya-maya lang ay nakikipagsabayan na kami sa mga sasakyan sa kalsada.
"You'll be staying in my place tonight. Hindi ako panatag kapag malayo ka sa akin."
Tiningnan ko siya at tinanguan. Gusto ko rin namang lagi siyang nasa tabi ko kaya hindi na ako tumutol pa. Anyway magiging mag-asawa na rin naman kami in the future kaya gusto ko nang sanayin ang sarili ko na nasa tabi ko siya palagi.
***
September 23, 2009
Dear Diary,
Tapos ko nang iayos ang mga damit ni Iñigo sa isang di kalakihang maleta nang pumasok siya dito sa kaniyang kwarto.
"Mahal, dadalhin mo ba ýung laptop mo?" salubong na tanong ko sa kaniya habang sinasara ko 'tong maleta. Bukas na ng madaling araw ang alis niya papunta sa San Francisco at kahit ayaw niya ay nag-volunteer pa rin akong asikasuhin ang mga dadalhin niyang damit.
We've been in a relationship for more than a week now at parang ganoon na rin ako katagal na naka-stay dito sa unit niya. Hindi ko na nga namalayan na halos nalipat ko na pala dito ýung kalahati ng cabinet ko.
"Oo Mahal, nagta-trabaho kase ako kahit nasa plane," sagot niya at lumapit sa akin. Binuhat niya ang maleta at ibinaba sa isang gilid. Tumayo naman ako at niligpit ang kaniyang laptop na nakabukas pa sa study table.
"Mahal ako na dýan," awat niya sa akin at niyakap ako mula sa likuran ko para kunin ang kamay ko mula sa laptop. Pinihit niya ako paharap sa kanya. "Kanina mo pa pinapagod ang sarili mo."
"Ýan lang ang nagagawa ko dito sa bahay mo, Mahal. At masaya ako na ginagawa ko ang mga simpleng ganyan para saýo. Ayaw mo ba?" lumabi ako.
"Hindi, syempre gusto ko. Ayoko lang nang nahihirapan ang Mahal ko."
Natatawang kinurot ko sya sa tagiliran. "Cheesy mo ha."
"Mahal lang kita," sagot niya sabay hila sa bewang ko at hinalikan ako sa labi. It was gentle and teasing and I can't help not to respond. And when I did, he pulled me closer to him, his other hand on the back of my neck supporting my head. He kissed my lips deeper. He's like searching for something inside my mouth now and I allowed him without hesitation.
Ito na yata ang pinakamatagal sa lahat ng kiss na pinagsaluhan namin. Parang wala siyang balak na paghiwalayin ang mga labi namin at dahil nanlalambot na ako naiyakap ko na lang ang mga kamay ko sa batok niya. My action made him stop. Pinakawalan niya ang labi ko at habol ang hiningang pinagdikit ang mga noo namin. Our nose still touching each other and our lips were just half inch away.
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...