December 24, 2007Dear Diary,
Andito na naman ako sa labas ng gate nila Iñigo. Walang kadala-dala kahit ilang beses na niya akong tinataboy.
Kagabi sa Christmas party namin sa Isabella's ibinigay sa amin ni Manager Theo ang mga regalo na galing daw kay Iñigo. Cellphone ang napunta sa akin, pero hindi lang naman ako ang nakatanggap noon, kaya lang napapaisip pa rin ako at kinakain ng pride ang dibdib ko. Sobra -sobra na ang naitulong niya sa akin pero hindi noon mababayaran ang sugat na nilikha niya sa puso ko.
Gusto ko siyang kausapin para tigilan na niya ang pagtulong sa akin. Ayokong ako pa ang lumabas na may utang na loob sa kaniya balang araw.
"Megan, Merry Christmas! Pupuntahan mo si Iñigo?" bati sa akin ni Ate Helen na lumabas sa gate hindi ko pa man napipindot ang doorbell. May mga bitbit siyang malalaking paper bag.
"Opo. Andýan po ba sya?"
"Nasa sala. Puntahan mo na lang. Nandýan nga lang ang Daddy nya. Pero paalis na rin naman," ani Ate Helen. Lumapit siya sa itim na SUV na nakaparada malapit dito sa labas ng gate. Siguro ay sa Daddy ni Iñigo ang sasakyan.
Pumasok ako sa gate at tumuloy na ako sa sala kung saan sinabi ni Ate Helen na nandoon si Iñigo. Maingat kong binuksan ang nakasaradong main door pero hindi ako natuloy sa pagpasok nang makita ko si Iñigo na nakatayo kaharap ang isang may edad ng lalaking elegante ang bihis. Sa takbo ng usapan nila ay napagtanto kong nag-aaway sila.
"Tumahimik ka na, wala kang alam sa nangyari sa amin ng Mommy mo," anang Daddy ni Iñigo.
"Anong hindi ko alam? Na pinakasalan mo lang si Mommy dahil sa pera? Na ginamit mo lang sya para sa pansarili mong kaligayahan? And you tried to throw her away nung may pera ka na at hindi ka niya mabigyan ng anak? And Mom who was foolishly in love with you did everything to win you back! She created me! Only to live in this shit kind of life! And you! What did you do? Did you ever treat me as your own? Never! Never kang naging ama sa akin! Never mong ipinaramdam na anak mo 'ko! Dahil hinahanap mo ang tunay mong anak!
"And I swear! Makita ko lang ang babaeng ýon ipaparanas ko sa kanya ang impyernong buhay na dinaranas ko ngayon!"
Napatakip ako ng bibig ng biglang undayan nang suntok si Iñigo ng kaniyang Daddy. I mean, not biological Dad kung ýun ang intindi ko sa mga sinabi ni Iñigo.
"Tatanggapin kong hindi mo ako irespeto, pero huwag na huwag mong idadamay ang anak ko dito," sabi ni Mr. dela Torre.
Ngumisi lang si Iñigo habang pinapahid ng likod ng kamay ang dugong tumagas mula sa pumutok na gilid ng labi.
"I am more determined to meet her now," aniya.
"You're a useless bastard," iiling-iling na sagot naman ni Mr. dela Torre.
"At least I have goal. And I will continue to live with that one goal... TO RUIN YOUR DAUGHTER'S LIFE."
Napailing lang muli si Mr. dela Torre. Naisip na siguro ay hindi na siya bata para patulan pa ang pagbabanta ni Iñigo. "Why don't you try to find your real Dad instead?" sabi na lang nito at humakbang na patungo dito sa pinto.
Mabilis naman akong napatalikod at akmang aalis na pero naabutan ako ni Mr. dela Torre.
"And you are?" nang-uusig ang baritonong tinig nito kaya namutla ako.
Napakagat-labi ako nang magkatapat kami at ngayon ay nakatingin na siya sa akin.
"You must be... Empress Megan."
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...