......
"Yuck pawis!" nandidiring sabi ni Iñigo ng bitiwan ang kamay ko.
"Bakit sino ba may sabing hawakan mo ko?" inis na sagot ko naman. Kainis! Ilang kahihiyan pa ba ang lulunukin ko sa harap ng lalaking ito? "Akina nga 'yan!" sabay agaw ko sa kaniya ng cellphone ko at naglakad na ako papunta sa bahay namin.
"Ang taray, sulutin kita kay Gino eh," narinig kong sabi niya.
Napatigil naman ako sa paglakad at nilingon ko sya. "Anong sabi mo?"
"Wala, sabi ko maganda ka sana kung hindi ka lang bingi," siya naman ang tumalikod pagkasabi noon.
Naiwan akong nakasunod lang ng tingin sa kaniya. Napapailing ako sa sarili ko.
That man was annoying, yet I found myself smiling...
Ano bah????
Pagpasok ko sa bahay namin sumaglit lang ako sa kusina para tingnan kung may bago na namang ligpitin, glad wala na. Dumiretso na ako sa kwarto. Maingay pa rin ang mga nag-iinuman sa kapitbahay pero dito sa amin tahimik na. Tulog na kasi si Papa.
Kinuha ko 'yung towel ko at nagpunta muna ako sa cr para mag-half bath. Pagbalik ko sa room naabutan kong tumunog ang message alert tone ng cellphone ko. Dinampot ko iyon sa ibabaw ng higaan ko at tiningnan kung sinong nag-text. Galing sa isang unknown na number.
From: 09158247700
Hey ganda! Still up?
Teka sino kaya 'to? Baka si Iñigo? Oo sya ang unang taong pumasok sa isip ko. Sya lang kasi ang kilala kong mahilig mag-english eh. At bigla akong kinabahan sa assumption ko.
Agad akong nag-type ng message para i-reply.
To: 09158247700
Hu u?
Check-op!
Arghhh! Ang malas! Ts! Globe nga pala ang ang number niya. Nakakainis! Kinain pati load ko! Huhuhu! Kaka-register ko lang kanina sa unli eh...
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...