14 - Selos

142 3 0
                                    


...


"Megan and Iggy-tawag sa akin ng Mommy at Yaya ko."



"Tumigil ka na Iñigo. Hindi ka na nakakatuwa!" bulyaw ko sa kaniya. Nangangapal na 'yung mukha ko sa pinaghalo-halong emosyon. Hiya, lito, kilig...aixt! Dumagdag pa!



"Babe please sorry na. Promise simula ngayon ikaw na lang ang titingnan ko. Simula ngayon hindi na ako titingin sa kahit sinong babae. Bigyan mo lang ako ng pagkakataong magbago. Tao lang ako at nagkataong naging kahinaan ko ang mga babae but believe it or not sa dami ng babaeng dumaan sa buhay ko wala ni isa sa kanila ang nagawang palitan ka sa puso ko. Dahil mula noon hanggang ngayon ikaw lang Miggy, ikaw lang ang nasa puso ko. Ikaw lang ang mahal ko."



Bakit pakiramdam ko hindi na siya umaarte sa puntong iyon? Bakit feeling ko hinahaplos ng mga salita niya ang puso ko? Bakit dalang-dala ako up to the point na naramdaman kong bumagsak na ang luha ko? Oo...umiiyak ako. Hindi ko napigilan. OA lang pero feeling ko kasi sincere siya. Para bang totoong-totoo ang lahat. Kumukontra 'yung isip ko pero 'yung puso ko gustong maniwala.



Lumamlam 'yung mata niya nang makita niyang umiiyak ako. "Miggy..." Dahan-dahan niyang binitiwan 'yung kamay ko at itinaas naman niya 'yung kamay niya at marahan niyang pinahid ng daliri 'yung luha ko.



Napasinghap naman ako dahil sa init na hinatid ng daliri niya sa pisngi ko at noon tila nagbalik ang katinuan ko sa reyalidad.



"Baliw ka," mapait kong sabi saka umigkas ang kamay ko at tumama iyon sa kaniyang pisngi. Hindi ko na inalam kung ano ang naging reaction niya sa ginawa ko, mabilis ko siyang tinalikuran pagkatapos noon at dire-diretso ako palabas ng room.




                                 ****



Hanggang ngayon lutang pa rin ang utak ko. Nakatingin lang ako sa kisame na para bang makikita ko doon ang kasagutan sa lahat ng gumugulo sa isip ko.



Pagkatapos ng mga naganap sa room kanina, tinadtad ako ng text nina Jaja, Luiza at Carol. Lahat sila kinukulit akong mag-share daw ng story namin ni Iñigo. Bakit daw wala akong sinasabi sa kanila eh matagal na pala kami. Bakit daw hindi nila nahalata. Ang galing ko daw magtago. Kaya pala daw hindi ako nag-e-entertain ng manliligaw... at marami pa na wala ni isa akong ni-replyan.



Instead si Khalil 'yung tinext ko. Hindi kasi niya ako tinext ngayon samantalang regular sya nagte-text sa'ken pagkakaawas ko sa school. At mula kanina hanggang ngayong nakahiga na ako sa kama ko hindi pa rin niya ako nire-replyan. Alam kong hindi pa siya tulog ng ganitong oras. Gusto kong magpaliwanag sa kaniya tungkol sa nangyari kanina. Hindi ko naman obligasyong mag-explain pero mahalaga sa akin ang mararamdaman ni Khalil dahil bestfriend ko sya. Ayokong isipin niyang pinaglihiman ko rin sya. Alam niya ang tungkol sa childhood friend ko na matagal ko ng hinihintay, pero hindi ko nasabi sa kaniyang si Iñigo 'yon.

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon