"Sorry Miss, male-late na kase ako," sabi ng babae sa tabi ni Iñigo. Hindi ko siya pinansin, nakatitig ako kay Iñigo habang siya ay nakatiimbagang na nakatitig din sa akin.
Ginalaw pa muli ng babae ang kamay nilang magkahawak para kunin ang atensyon ni Iñigo. Nilingon naman siya ni Iñigo at nginitian.
"May pag-uusapan lang kami saglit. Una ka na."
"Ano ba ýan!" maktol ng babae sabay bitaw sa kamay ni Iñigo at humalukipkip. "Ano pa bang pag-uusapan nyo? Dapat kung ex- ex na."
Ex!
Paulit-ulit na umiecho sa tenga ko ang katagang ýun. Ex ako ni Iñigo? Kelan pa? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ako aware? Sana man lang ininform niya ako para alam ko.
"Susunduin kita mamaya. Sige na," sabi lang ni Iñigo sa babae.
Umirap pa sa akin ang babae bago napipilitang umalis. Hindi ko na lang pinatulan dahil ang atensyon ko ay nakay Iñigo.
"Sino ýon?" tanong ko.
Pinakita ko sa kanya ang galit ko kahit ang totoo mas nangingibabaw sa akin ang sakit. Kahit gustong-gusto ng lumaglag ng luha ko dahil hindi ko na matiis ang kirot sa dibdib ko.
Patay malisyang sinundan niya ng tingin ang papalayong babae saka bumuntong-hininga at tumingala na tila nakukulitan.
"This is what I hate the most in every break-up," sabi niya na parang sarili lang ang kinakausap. Nang tumingin siya sa akin ay bumalik ang supladong aura niya. "Sorry Megan, hindi yata kita nasabihan."
"Nasabihan na... break na tayo?" matapang na tanong ko. Hindi ko alam kung saan pa ako humuhugot ng katatagan ng mga sandaling iyon.
Parang balewala siyang tumango. "I'm sorry, natalo yata kita sa... pustahan?" nagkibit pa siya ng balikat. "But atleast record breaker ka. Wala pang tumagal sa akin ng one month, pero ikaw naka-three months and still intact, you should be glad and thankful then."
Pustahan! Yeah right! I remembered.
Pinusta niya na mapapasagot niya ako in one month, bakit nga ba ngayon ko lang ýun naalala? Bakit nga ba nawala sa isip ko na ang lahat ng pinapakita niya sa akin noon ay baka bahagi lang ng laro niya. Ang stupid mo Megan! Ang stupid mo!
I tried myself to hold back my tears kahit naghuhumiyaw na sila sa mata ko. Hindi! Hinding-hindi ako iiyak sa harap ni Iñigo. Tama ng nasaktan niya ako. Tama ng alam niyang napaniwala niya ako. Ýung ego ko man lang maisalba ko kahit papano.
Nagpakawala ako ng pilit na ngiti saka natawa.
"Oo nga pala, pustahan."
Napailing pa ako kunwari at nagkagat-labi. Lalaglag na rin kase talaga ang luha ko kaya binaling ko sa ibang direksyon ang tingin ko para kontrolin ang sarili ko.
"Ba't nga ba nakalimutan ko. Anyway," tumingin na ako sa kanya ulit, "thanks sa magaling mong pag-arte. Muntik na akong naniwala sa mga pinakita mo. Sige na para makarami ka pa ng bibiktimahin, kailangan mo ýan para mabuhay ng masaya."
Tumalikod na ako at naglakad palayo saka ko pinalaya ang mga luhang kanina pa gustong kumawala. Mabibigat ang bawat hakbang ko, para pa ngang hindi ko na kayang maglakad at gusto kong mapaupo sa sobrang panghihina ko.
Sa CR ako dumirecho. Pumasok ako agad sa isang cubicle at nanghihinang sinandal ko ang likod ko sa pinto. Napaupo na rin ako at sinubsob ang mukha ko sa aking mga palad. Kung pwede lang na humagulgol na ako ng iyak para pakawalan ang tila mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko, pero ayoko namang mapag-usapan ako ng mga makakarinig ng pag-iyak ko.
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...