September 12, 2009
Dear Diary,
Nandito kami ni Euseph sa MOA, nanonood ng fireworks display. Pero kahit anong ganda ng mga nakikita ko, hindi ko magawang maging atleast ninety nine point nine na masaya. Lahat ng mga bagay na gusto kong gawin namin ni Iñigo dati, nagagawa ko ngayon na si Euseph ang kasama ko.
Dapat kaming dalawa 'to eh. Dapat siya ýung katabi kong nakatingala at nanonood ng makukulay na fireworks. Dapat siya ang kasama kong nanonood ng sine, kasama kong naglalaro sa arcade. Siya ang pinangarap kong makasama sa lahat ng gagawin ko. Pero nakakalungkot dahil hindi nangyari.
Hindi pala talaga 'kung ano ang pinangarap mo noong bata ka ay iyon ang mangyayari kapag nasa hustong gulang ka na. At mananatili na lang pangarap ang lahat ng dapat ay bahagi si Iñigo.
I held a sigh, Iñigo started to occupy my mind again. Sabi ko kakalimutan ko sya, sabi ko sa kanya tulungan niya akong kalimutan sya. Pero ngayon na ginagawa na niya ýung hiniling ko, mas lalo ko naman siyang iniisip. Isang linggo ko na syang hindi nakikita, and swear para na akong mababaliw kaiisip. Bakit gano'n? Bakit ang hirap niyang kalimutan? Anong gayuma ang meron ka Iñigo?
Mapait akong napangiti. "Ang ganda," wala sa loob na sabi ko habang nakatingin sa makukulay na fireworks.
"Sobra," sagot naman ni Euseph. Nang tingnan ko siya ay hindi siya sa fireworks nakatingin kundi sa akin. "You're beautiful inside and out, that's why I love you."
"Euseph..." ang tanging nasambit ko.
Hinawakan niya ang baba ko at nagniningning ang mga matang tumitig sa akin. "Pwede bang akin ka na lang Meg? Hindi na kita kayang ibalik kay Iñigo."
Napalunok ako at napatitig lang sa kanya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. He caress my face and lean closer kaya kumabog ang dibdib ko. Hindi dahil sa excitement kundi dahil nagi-guilty ako. At bago pa lumapat ang labi niya sa akin ay ipinaling ko ang mukha ko paiwas.
Hindi ko kaya. Hindi ko kayang magpahalik sa iba.
Disappointed na lumayo sa akin si Euseph at nabitiwan din ang baba ko.
"Uwi na tayo," sabi ko na lang at nauna na akong tumalikod.
"Ang gusto ko lang no'ng una pagselosin si Iñigo." Natigilan ako sa sinabi niya at hindi ako nakakilos. "Pero nahulog ako sa sarili kong patibong. Hindi ko sinasadyang mahalin ka Meg. I'm sorry."
Humarap ako sa kanya. Kita ko ýung pagkabigong naguhit sa kaniyang mata. "Hindi Euseph. Ako ang dapat mag-sorry saýo. Sorry dahil hindi ko magawang tugunan ang nararamdaman mo."
Mapait siyang umiling. "Sinabi ko noong una pa lang na I won't expect anything from you. Nagbaka-sakali lang ako na mapaibig ka kahit alam kong suntok sa buwan ýun. Pero sana Meg hindi dito matapos ang pagkakaibigan natin."
May awang humaplos sa puso ko para kay Euseph at hindi ko napigilan ang mapaluha. Kung sana nga lang natuturuan ang puso. Hindi siya mahirap mahalin, kaya lang si Iñigo pa rin ang laman ng puso ko. At ayoko naman na patuloy siyang paaasahin.
"Please 'wag kang umiyak Meg. Mas nasasaktan ako 'pag nakikita kong umiiyak ka."
"Sorry Euseph," sabi ko habang pinapahid ko ng palad ýung mga luha ko.
"Hug mo na lang ako para makabawi ka." Ibinuka niya ang mga braso at tinanggap ko naman ýon. Nagyakap kami ng mahigpit.
Sorry Euseph kung ito lang ang kaya kong ibigay saýo.
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...