“What the mind forgets, the heart remembers…”
Iñigo’s POVInagahan ko ang alis sa bahay kanina dahil ayokong makita si Gabby. Kahapon pa niya nililigalig ang puso’t isip ko at pakiramdam ko nagtataksil ako sa asawa ko. Pero ngayon hindi naman ako mapakali dito sa opisina ko. Paulit-ulit na lumilitaw sa isipan ko ang masayang mukha niya. Hinahanap siya ng puso ko at gusto ko siyang makita.
Hindi ako nakatiis at binitbit ko ang cellphone ko at mabilis akong lumabas ng office, dumirecho ako agad sa basement at sumakay sa kotse. Pagdating ko sa bahay ay takang-taka pa si Ate Malou kung bakit napauwi ako ng wala sa oras bagay na nakahiyaan na lang din sigurong itanong.
Pagpasok ko sa sala ay sumalubong sa akin ang tunog ng gitara at ang boses ng babaeng kumakanta na pamilyar na pamilyar sa akin.
Now the parking lot is empty
Everyone’s gone someplaceMegan!
Mabilis kong sinundan ang pinagmumulan ng kanta hanggang sa makarating ako sa lanai. Mula dito ay tanaw ko si Megan na nasa garden at nakaupo sa wooden bench doon habang nasa kadungan ang gitara at tumutugtog habang kumakanta.I pick you up and in the trunk I’ve packed
A cooler and a two-day suitcase
Cause there’s a place we like to drive
Way out in the country
Five miles out of the city limit were singing
And your hands upon my kneeNapako ako sa kinatatayuan ko at hindi makapaniwalang nakatingin lang sa kaniya. Nang tumigil siya at tumingin sa akin nang nakangiti ay doon pa lang bumalik ang tila tumakas kong diwa at mabilis akong tumalikod.
I know she’s Megan. I knew it in my heart that she is my wife.
Naguguluhang naupo ako sa gilid ng kama at tumingin sa picture ng asawa ko na nakadikit sa wall.“Mahal… can you give me this chance? Kahit ngayon lang? May gusto lang akong patunayan. Aalamin ko lang ang pagkatao ni Gabby. Kung hindi siya ikaw, promise titigil na ako at lalayuan ko na sya. Hindi ako matatahimik hanggang hindi ko nalalaman kung sino siya at kung bakit magkamukhang-magkamukha kayo pati sa boses. Pati sa paraan nang paggigitara.
“Please? Ngayon lang ‘to promise. I love you, Mahal.”
Tumayo ako at muling lumabas ng kwarto. Pagbaba ko sa sala ay nakasalubong ko pa si Gabby na maganda ang ngiting ibinigay sa akin.
“Hi! Ang aga mong umalis kanina, hindi tuloy kita naabutan.”Pinigilan ko ang sarili kong haplusin ang kaniyang pisngi. Halip ipinamulsa ko na lang ang kamay ko at kaswal na sumagot. “Bakit?”
Napangiwi ito at napahawak sa batok. “Hindi kase ako nakaalis. Wala akong pera. Pwede mo ba akong pautangin ulit?”
“May pupuntahan ka ba?”
“Maghahanap ako ng trabaho di ba? Huwag kang mag-alala, ‘pag umalis ako iiwan ko ýung gitara ko pati mga alahas ko, para ‘wag mong isipin na tatakbuhan kita.”
Wala naman sa isip ko na pinagsasamantalahan niya ako. Isa pa, kahit hindi niya kamukha si Megan iisipin kong nagmula siya sa marangyang pamilya. Alam kong tunay ýung mga alahas niya na kagabi pa niya gustong isangla sa akin. Kaya nga lalo akong nagdududa ngayon.
Inilabas ko ang aking wallet at hinugot ang isa kong atm card at iniabot sa kanya. “0102.”Hindi makapaniwalang tinanggap niya ang atm card at pinakatitigan munang mabuti bago tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...