36 - My Empress

59 2 0
                                    

August 31, 2009

Dear Diary,


Nanghihinang bumangon ako sa kama para lang muling mapahiga. Gumuguhit ang sakit sa ulo ko at hilong-hilo ako dahil sa lagnat na sinabayan pa ng dysmenorrhea. Nanlalata na rin ako sa gutom dahil halos magtatanghali na pero wala pang laman ang tyan ko mula kaninang umaga. Ni hindi pa ako nakakainom ng gamot. This is what I hate the most about being sick. Minsan lang ako magkasakit pero grabe kapag tumama sa katawan ko. Talagang halos bedridden ako.


Ngayon ko naramdaman ang hirap ng walang kasama sa bahay. Ayoko namang paluwasin sina Mama at Papa para lang alagaan ako. Lalong hindi ko kayang abalahin si Tiya Lizeth o ang mga pinsan ko. At nasa trabaho naman ang mga kaibigan ko.


Napaluha na lang ako sa awa ko sa sarili. Akala ko kaya ko nang maging independent, pero hindi pa pala. Dalawang tao lang ang alam kong pwedeng kong takbuhan ngayon, kaya lang nahihiya ako kay Euseph, at ayoko namang lapitan si Iñigo.


Hinagilap ko ang cellphone kong nasa ulunan. May sampung message akong nakita na hindi ko naman mabasa dahil umiikot ang paningin ko. Naibagsak ko lang din ang kamay ko kawalan ng lakas.


Pumikit na lang ako para sana matulog na lang ulit nang makarinig ako ng mahinang katok sa pinto ng kwarto ko. Nagpilit akong bumangon dahil ayaw tumigil sa pagkatok ang sinumang tao sa labas. Baka ýung landlady namin. Baka alam na nandito ako sa kwarto dahil nakabukas pa rin ang ilaw ko.


"Saglit lang po," mahinang tugon ko habang sapu-sapo ko ang aking ulo at mabagal na humahakbang patungo sa pinto. At gayon na lang ang paglukso ng puso ko nang mapagbuksan ko si Iñigo. "Iñigo!"


"God! You're really sick!" alalang bulalas niya at sinalubong na ako sa pinto.


Niyakap niya ako gamit ýung isang kamay niyang walang bitbit. At dala ng samo't saring emosyon ay di ko napigilan ang mapaluha.


"You're burning hot for pity's sake," aniya at inalalayan ako pabalik sa kama ko.


Lumapit siya sa maliit na mesang malapit sa kitchen at inilapag doon ang bitbit na malaking paper bag na may nakasuksok pa yatang bulaklak sa loob. Siya na rin ang nagsarado ng pinto saka siya muling lumapit sa akin at tinabihan ako dito sa gilid ng kama.


"Have you taken your meds?" tanong niya sabay dampi ng kamay sa noo ko. Nahuli niya ang pagkagat ko ng ibabang labi kaya bumaha ang frustration sa kaniyang mukha. "And you don't eat yet, do you?"


Hindi na ako nakasagot dahil umiikot na naman ang paningin ko. Napasapo na lang ako ng kamay sa ulo. Inalalayan naman niya akong makahiga ulit.


"Paano ka nakapasok dito? Pinayagan ka ni Tita Lou?" tukoy ko sa nasa forties naming landlady.


Bawal kasi kaming magpatuloy ng bisita sa kwarto lalo kung lalaki, hanggang sa terrace lang sa labas pwede.


"Pinakiusapan ko," sagot niya sabay tayo at lapit sa mesa. "My goodness Megan, paano mo natatagalan ang tumira dito? Hindi pwede ýung policy nilang gano'n. Paano kung hindi ko napakiusapan, sinong kasama mo? Paano ka?"


Napangiti na lang ako. Ang cute niya kase kapag ganyang para siyang batang nagmamaktol. "Pinatuloy ka naman eh, and besides for security na rin namin ýon. Ganito rin naman sa ibang dormitory."


Hindi na siya sumagot at nilabas na lang ýung laman ng paper bag. Napapikit naman ako ulit dahil namimigat ang mata ko. Napaidlip pa yata ako, naramdaman ko na lang na hinahaplos na ni Iñigo ang pisngi ko at nang magmulat ako ng mata ay sumalubong sa akin ang ngiti niyang may kalakip na pag-aalala.


Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon