April 21, 2007
Dear Diary...
"Ang cute-cute naman ni Baby," giliw na komento ni Gino habang nilalaro-laro niya 'yung kamay ni Queenie.
Nang-aasar na inilayo ko naman sa kaniya si Baby. "Lumayo ka nga, baka magkapalit pa kayo ng mukha."
"Ang sungit. Akala mo naman anak mo 'yan," aniya. "Sagutin mo na ako Meg, para gagawa rin tayo ng Baby, mas cute pa kay Queenie."
"Eh kung ginagawa ko kayang punching bag 'yang mukha mo? Umayos-ayos ka nga dyan Gino!" Kung hindi ko lang hawak si Queenie baka nabigwasan ko na ang lalaking ito.
Tyempo namang lumabas si Ate Quey, kinuha niya sa akin ang one-year-old na si Queenie.
"Baby nag-aaway sa harap mo sina Ninong at Ninang?" kausap ni Ate kay baby.
"Yan kasing kumag na 'yan eh, ang feeling," nakaingos kong sabi.
"Ikaw naman kasi Meg, bakit ga ayaw mo pang sagutin itong si Gino? Mabait naman 'yan, may maganda pang trabaho."
"Sige Mareng Quey, back-upan mo ako," sabad naman ni Gino. Ang ganda pa ng ngiti ni Kumag. Ewan anong nakita sa kaniya ng pamilya ko at botong-boto sa kaniya--except kay Marga. Kung alam lang nila na may hinihintay ako.
"Ate Megan!!!!" mula sa kung saan ay sigaw naman ni Marga.
Napatingin kaming tatlo sa kaniya.
"Ate!" tili pa niya habang tumatakbo papalapit sa amin. Galing siya sa may kalsada at nandito naman kami sa may terrace ng bahay.
"Saan ang sunog?" sabay-sabay na tanong namin sa kaniya.
Pero sa halip na sumagot hinila lang niya ako sa kamay.
"Teka bakit ba?"
"Basta sumama ka sa akin ate, matutuwa ka," sagot niya habang hinihila ako.
"Marge 'wag ka magkakamali ibenta 'yang ate mo, ikaw ang liligawan ko," banta naman sa kaniya ni Gino.
Nilingon sya ni Marga at binelatan.
"Saan ba tayo pupunta Marga?" Takang-taka na ako. Ano bang nasa isip nitong kapatid ko?
"Basta Ate."
Namilog mata ko nang humantong kami sa tapat ng dela Torre mansion.
"Teka, bakit tayo nandito?"
"Tumingin ka ate," sabi nya sabay pinaharap ako sa mansion. Dito kasi sa labas kita 'yung bakuran nila kase siwang-siwang 'yung fence nila.
Tiningnan ko na lang 'yung tinuturo niya and again...katulad ng dati... parang tumigil sa pag-ikot 'yung mundo ko nang makita ko SYA. Nakatayo siya sa may garahe nila habang may kausap sa cellphone. Naka-shades siya at naka-side view pero hindi ako pwedeng magkamali...
IÑIGO DELA TORRE is back!
Nung pumihit siya paharap sa amin bigla akong napatalikod. Hinila ko na rin si Marga paalis.
"Hindi ka masaya Ate?" tanong niya sa akin nung pabalik na kami sa bahay namin. Buti at wala na sa terrace sina Ate Quey at Gino kung hindi siguradong uusisain nila kami ni Marga kung ano 'yung ipinunta namin sa labas.
"Masaya ako. Wala naman akong problema, anong dahilan ko para malungkot?" paiwas kong sagot. Dire-diretso ako sa kwarto ko habang nakabuntot pa rin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...