...
"Kuya sa tabi na lang," sabi ko kay Kuyang tricycle driver pagtapat sa bahay namin. Bumaba na rin si Iñigo siguro ay dahil malapit na lang naman 'yung sa kanila. Lumapit pa siya sa driver at nag-abot ng pamasahe dito habang ako naman ay binubuksan ko pa lang ang coin purse ko.
"Kuya dalawa."
Nanlaki ang mata ko at automatic na napatingin ako kay Iñigo sabay labas ko ng pera mula sa coin purse ko.
"Hindi kuya, isa lang po. Eto po ang bayad ko."
"Bayad na kasi," giit niya sabay hila sa kamay ko. Arghhh! Eto na naman ang MERALCO sinusuplyan ng kuryente ang katawan ko!!! "Keep the change na lang kuya," sabi pa niya sa driver at hinila na ako papunta sa bakuran namin.
"Ba't ba ang pakielamero mo?" inis na asik ko sa kaniya. Piniksi ko ang kamay niya at nakawala ako pero hindi ko na pwedeng balikan 'yung tricycle dahil sumibat na.
"Ba't ba ang taray mo? May kasalanan ka pa sa'ken ha, baka nagkakalimutan tayo?" ganti niya.
"At anong kasalanan--"
"Oh, Megan nandyan ka na pala." Si Mama 'yun bigla lang naman siyang lumabas sa terrace.
"Good evening po Tita," nakangiting bati naman ni Iñigo kay Mama. Ang EPAL.
"Oh, hijo. Magandang gabi naman. Kadarating mo lang din?"
"Opo, sabay po kami ni Mig--Megan," bahagya pa siyang sumulyap sa akin. "Tita, magpapaturo po ako kay Megan sa assignments namin--"
"Oh sige, halika. Tumuloy ka." Ang bilis ng pag-OO ni Mama! At teka! Anong assignment?? Wala naman kaming assignment ah?
Binigyan ko si Iñigo ng naninitang tingin pero hindi niya ako pinansin at nauna pa siyang pumasok sa loob ng bahay namin. Binati pa niya si Marga na naabutan naming nanood ng tv sa sala habang nagti-text.
"Oh, Iñigo?" gulat na sambit niya. Pinaraanan niya ako ng makahulugang ngiti bago muling binalingan si Iñigo. "Upo ka."
"Megan kumain ka na diyan. May hain pa sa mesa. Dito mo na lang din pakainin si Iñigo."
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...