52 - Nightmare

53 2 0
                                    


Present

Marahan kong tinulak ang pinto at bumungad sa akin si Jasmin na halata ang lungkot sa mukha nang makita ako. She’s been also in coma for almost three months at kakagising lang niya noong nakaraang linggo kaya halata pa ang pamumutla niya.

Nang magising ako noon pagkatapos ng aksidente, two days daw akong walang malay sabi ni Ken, pero ang asawa ko hanggang ngayon hindi pa rin nagigising. Si Jasmin ang sakay ng kotseng dapat babangga sa kotse namin, sa side ko. Alam kong sinadya niya ýon at si Megan talaga ang target niya. Dapat ako ýung comatose ngayon pero sinagip ako ni Megan. Bumangga ýung kotse namin sa mixer truck at siya ang napuruhan, doon din bumangga ang sinasakyan ni Jasmin at matindi ang idinulot ng aksidente kaya pareho silang na-coma.

“Si Megan?” mahinang tanong niya.

Hindi ko naitago ang kalamigan ko sa kanya. Hindi ko kayang magpanggap na parang walang nangyari. “She’ll wake up soon. She needed to… so I can forgive you.”

“I’m sorry, Iñigo…” lumuluhang sabi niya. She reached for my hand but I quickly slid it in my pocket.

“Magpalakas ka.”

Tinalikuran ko na siya at lumabas na ako sa kaniyang kwarto. Tiningnan ko ang relos ko sa bisig, mamaya pa ako pwedeng pumasok sa ICU kung nasaan ang asawa ko kaya bumalik na lang ako sa hospital lodge na nasa kabilang building lang. Naabutan ko pa doon si Marga na naghahain ng pagkain sa pang-apatang mesang nasa malapit sa balcony.

“Kuya, ipinagluto ka ni Mama kanina bago siya umalis. Ubusin mo daw ‘to para magkalaman ka.”

“Sinong kasama niyang bumiyahe?” usisa ko habang palapit ako sa mesa.

“Sinamahan siya ni Gino. Baka daw next week na siya ulit makakadalaw dito.”

“Kamusta si Ate Quey?”

“Safe naman daw ang delivery ng baby kaya lang kulang sa buwan kaya kailangang magstay sa nursery. Matatagalan pa daw bago sila makalabas.”

Tumango na lang ako at sinimulan ko nang lagyan ng pagkain ang plato sa harap ko. Dinamdam din ni Ate Quey ang sitwasyon ni Megan kaya malamang na dahilan kaya napaaga ng two months ang pag-anak. Kung hindi nangyari ang aksidente dapat may inaalagaan na rin kami sa tiyan ng asawa ko. She’s four weeks pregnant noong naaksidente kami pero nawala na naman.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko na nalalasahan ang pagkain kaya nawawalan na naman ako ng gana.

“Dadalaw daw next Sunday sila Kuya Khalil at si Ate Kim pala nakaalis na patungong Korea, hindi na daw siya nakapagpaalam kay Ate dahil hindi niya naisingit sa schedule niya.”

Tipid na tumango lang ako. Nang matapos kaming kumain ni Marga ay dumating naman si Ken, nagpaalam naman si Marga na tatawid niya sa kabilang building para doon maghintay sa oras ng dalaw sa ICU.

“Na-receive mo ba ýung report na pinadala ko sa email mo?” tanong sa akin ni Ken habang inilalapag sa kama ýung mga dalang folder na kailangan kong pirmahan.

  

“Yes. Nakapag send na ako ng request sa Stockton para sa bagong branch natin sa Cebu. Pakitutukan mo na lang muna ang customs. Hindi pwedeng madelay ang mga products natin.”

Naupo ako sa kama at dinampot ko ýung isang folder at binuksan. Hindi ako makaalis dito sa ospital kaya halos dito na ako nag-oopisina. Kapag may mga kailangan akong i-meeting sa mga restaurant or café na malapit lang dito ko isini-set para hindi ako mapalayo sa asawa ko.

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon