Gabby’s POV
Sa tagal ng panahon na nagigising ako sa umaga, ngayon lang yata ako bumangon na maganda at magaan ang pakiramdam ko. Nilinga ko pa ang tabi ko habang nag-iinat ako ng kamay dahil may nahagip na makulay ang mata ko at sukat sa nakita ko ay napangiti ako. Dinampot ko ang isang bouquet ng pink roses na nakapatong dito sa tabi ko at kinuha ko ang maliit na card na nakasingit sa gitna noon.Gabby,
Thank you for making me smile last night.
Iñigo
Lumapad ang ngiti ko at sinamyo ko pa ang bulaklak. Napaka-sweet naman pala ni Mr. Knight. Kung wala lang Megan sa buhay niya baka na-inlove na ako sa kaniya. Kaya lang hanggang crush na lang ako. Meron nang may-ari sa puso niya at wala siyang balak na tumingin sa iba.
Napabuga ako ng hangin saka ko binaba ulit ang bulaklak. Mamaya ko na lang ito ilalagay sa vase, manghihingi pa ako ng spare kay Nanay Flor.Bumaba ako sa kama at inayos ang sarili ko bago ako lumabas para mag-breakfast. Naabutan ko pa si Nanay Flor sa dining area.
“Good morning po Nanay Flor! Si Iñigo po?”
“Nakuh umalis na anak. Maaga ýon pumapasok sa opisina. Halika na, hinanda ko na ang almusal.”
Tumango na lang ako at naupo sa harap ng mesa kahit deep inside ay nadi-disappoint ako. Palagi ko na lang siyang hindi naaabutan sa umaga. Bukas aagahan ko na talaga ang gising para makasalo ko siya. Hindi kase ako sanay nang nag-aalmusal ng mag-isa, hindi naman ako sinasabayan ng mga tao dito kahit anong pamimilit ko kahapon. At matapos ngang ayusin ni Nanay Flor ang mesa ay nagpaalam na siyang pupunta sa kusina.
Patapos na akong kumain ng biglang may babaeng pumasok dito sa dining. May bitbit siyang paper bag at nang makita ako ay rumehistro sa mukha niya ang pagkakilala sa akin na hindi ko naman na ikinagulat. Pero kumpara sa iba na tila hindi makapaniwala at tila nakakita ng multo, siya ay tila nababahala.
“I…ikaw?”
Pinahid ko ng table napkin ang labi ko at tumayo naman ako saka nilahad ang kamay ko. Hindi ko alam kung kaano-ano siya ni Iñigo pero ayoko naman magpakita ng kagaspangan ng ugali kahit medyo hindi ako natuwa sa paraan nang pagtingin niya sa akin. Naghuhumiyaw sa mukha niya ang disgusto na makita ako.
“I’m Gabby, bisita ako ni Iñigo.”Matagal na pinakatitigan lang niya ako at nang tila mahimasmasan ay tinapunan lang niya ng tingin ang kamay ko pagkatapos ay taas-noong tumingin sa akin.
“I’m Jasmin. Iñigo’s girlfriend.”
Ilusyonada! Gusto ko sanang isigaw sa mukha niya. Kung hindi ko pa alam na may asawa na si Iñigo at mahal na mahal niya ýun baka naniwala pa ako sa kanya.
Nang lumabas si Nanay Flor mula sa kusina ay inalis niya ang tingin sa akin at iniabot niya kay Nanay Flor ang dalang paper bag.
“Dinalhan ko po ng tea si Iñigo. Baka hindi na naman siya nakakatulog ng maayos.”
“Excuse me, maiwan ko na kayo,” paalam ko naman at lumabas na ako sa dining.
Hindi ko maintindihan kung bakit parang ang bigat ng dugo ko sa Jasmin na iyon, siguro ay dahil sinungaling siya. Tumuloy ako sa garden para tulungan na lang si Tatay Olan sa pagti-trim ng mga halaman doon, sa kanya na lang din ako hihingi ng vase para paglagyan noong rose na ibinigay ni Iñigo.“Hi Tay!”
Tumingin sa akin si Tatay Olan at ngumiti. “Gabby. Nag-almusal ka na?”
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...