37 - Favor

41 2 0
                                    

September 4, 2009

Dear Diary,


Panay ang tingin ko sa relos ko sa braso. Halos isang oras na akong nakatayo dito sa harap ng mataas na round table na intended para patungan ng mga drinks ng guests. Birthday nina Euseph at Sophia at napilit ako ni Euseph na pumunta rito sa cocktail party nila. Siya rin ang bumili ng cocktail dress na suot ko. Medyo naiilang pa ako dahil off shoulder 'to, plus masakit na ýung binti ko dahil sa three-inch stilettos na niregalo din sa akin ni Euseph.


Gusto ko na sanang umuwi kaya lang hindi ko mahagilap si Euseph. Dahil isa sya sa birthday celebrant ang daming kumakausap sa kanyang guest. Nandito rin si Iñigo pero halos hindi na binitiwan ni Sophia. Mula sa pagsisimula pa lang ng party nakapulupot na sya sa braso. At lalo lang sumama ang timpla ko dahil nginangatngat ng selos ang dibdib ko.


Kung hindi lang din naman si Euseph ang celebrant nunca na sumama ako rito. Puro socialites ang mga bisita at mga high profile na tao. May nakita pa nga akong mga artista. Bigla ko tuloy naisip si Marga, for sure tuwang-tuwa ýon kung kasama ko. Pero ako, hindi ko magawang mag-enjoy. Lalo at maya't maya pang may kung sinu-sinong lalaki na lumalapit sa akin at nakikipagkilala. Kung hindi ko pa pinaparamdam na hindi ako komportable sa presensya nila ay hindi pa ako lulubayan. Suplada na kung suplada pero hindi ako mahilig sa atensyon ng lalaki. Naiinis nga ako sa tuwing may pumipito sa akin pag naglalakad ako sa kalsada, lalo ýung mga lumalapit pa at nakikipagkilala. Kahit 'pag naggo-grocery ako palaging may nagvo-volunteer na tulungan ako o bayaran ýung pinamili ko para lang makuha ang number ko. Ganda ko di ba? Pero nakakainis ýun. Hindi ako natutuwa.


"Maám," nakangiting bati sa akin ng isang waiter na lumapit at ipinatong sa mesa ang isang orange juice. Isa pa 'tong waiter na 'to, kanina pa parang nagpapa-cute. "Try mo 'to Maám, para lang ýang juice," sabi pa niya.


So eto na pala ýung cocktail na sinasabi niya. Kanina pa kase akong tumatanggi sa inaalok niyang drinks tuwing dadaan siya sa tabi ko. At nasabi kong hindi ako sanay uminom. Sabi niya igagawa daw niya ako ng ladies' cocktail drinks na walang malakas na tama ng alcohol.


"Sure ka hindi ako malalasing dito ha," pabirong sagot ko na lang. Mukha naman kase siyang mabait eh.


"Depende din Maám sa tolerance mo sa alak. Pero mild lang talaga ýan promise. Hindi ka bibigay dýan."


Nginitian ko na rin si Kuyang Waiter at nagpasalamat na rin ako. Nang magpaalam ito at tumalikod ay tinikman ko na ang mukhang orange juice na ibinigay nito. Masarap nga, may kaunting pait pero mas angat ýung lasa ng orange at lemon. Siyang lapit naman sa akin ni Sophia na very dazzling sa gabing ito. Fine maganda sya. Magaling magdala ng sarili, pero maganda rin ako 'no. Kulang lang ako sa ayos. Hmp!


"I guess hindi mo sineryoso ang banta ko saýo," sabi niya na may nakapaskil na pagkalaking pekeng ngiti. "Di ba sinabi ko saýong layuan mo ang kapatid ko?"


"Oh well," ngumiti naman ako ng mapakla, "mahirap gawin ang gusto mo kase si Euseph ang lumalapit. Bakit hindi kaya siya ang kausapin mo?"


Binigyan niya ako ng masamang tingin tapos bigla din ulit ngumiti. Sira-ulo lang di ba? "Ang lakas ng loob mong pumunta rito at sirain ang gabi ko."


Huh? Mukha bang sira ang gabi niya eh enjoy na enjoy nga niyang maglambitin sa braso ni Iñigo?


"Para sa kaalaman mo hindi ikaw ang ipinunta ko rito. At tutal naman birthday mo, bakit hindi mo na lang iregalo sa sarili mo na maging masaya at pabayaan ako dito." Hindi ako likas na palaaway although may kasungitan din talaga akong taglay. At dahil walang sense ang pinagsasasabi niya, hindi ko magawang hindi siya patulan.


Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon