October 3, 2009Dear Diary,
Napabuga ako ng marahas na hangin matapos kong pasadahang muli ang ayos ko sa harap ng vanity mirror. Kontento naman na ako sa ayos ko, naka-half pony ang lagpas balikat kong buhok, simpleng makeup, manipis na lipstick na binagay ko lang sa biniling dress sa akin ni Iñigo. Isang kulay soft pink na knee-length, a-line cut, hanggang siko ang sleeve with 3d flower lace at manipis na bow sash. Tingin ko nga sa sarili ko ngayon ang ganda-ganda ko. Mala Sam Pinto lang, gano'n. Char!
Pinapakalma ko lang ang sarili ko dahil ang lakas lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa pagharap kay Don Ismael mamaya. Hindi ako umuwi sa amin kahit weekends dahil ngayon ako ipapakilala ni Iñigo sa Lolo nya. At wala pa man, natatakot na ako. Kahit anong ganda ng ayos ko hindi pa rin nito matatabunan ang katotohanan na I'm nothing compare to Iñigo. Paano kung siya naman ngayon ang tumutol sa amin? Gosh! Napakaraming kontra bida sa relasyon namin ni Iñigo.
Natigil ang pag-iisip ko nang kung anu-ano nang bumukas ang pinto ng kwarto at pumasok si Iñigo. Parang usual lang naman ang porma niya, kulay powder blue na long sleeve polo tucked in white trouser pero ang lakas lakas pa rin ng dating. Pumitlag pa ang puso ko nang ngumiti siya ng malapad at maglakad palapit sa akin. Agad siyang yumakap sa akin mula sa likuran at tiningnan ako mula sa salamin.
"You are extremely gorgeous," sabi niya na pinag-init ng pisngi ko. Mabuti na lang at naka-blush on ako, hindi niya mapapansin ang pagba-blush ko.
Alam ko naman na maganda ko, pero parang sobra naman yata ýung extremely gorgeous! Haba ng hair.
"Sinagot na kita, 'wag mo na akong bolahin," irap ko para pagtakpan ang kilig na nararamdaman ko.
"Hindi po ýun bola, Mahal. You're really gorgeous with or without makeup. Kahit nakapambahay ka pa, kahit hindi ka pa nagsusuklay. I will fall for you over and over." Hinalikan pa niya ako sa pisngi pagkasabi noon at niyaya na ako paalis.
Sa Shangri-la Plaza naka-check in si Don Ismael at doon din daw kami magdi-dinner. Pagpasok pa lang namin sa lobby ay nag-alangan na ako. First time ko dito at halatang mayayaman lahat nang nandito. Dumirecho kami sa isang restaurant kung saan may reservation si Iñigo at giniya kami ng staff patungo sa isang pang-apatang mesa.
"Mahal, relax. Are you nervous?" usisa sa akin ni Iñigo nang makapwesto na kami sa harap ng mesa. Hinihintay na lang namin ang Lolo nya at nahalata yata niya ang panginginig ng kamay kong kanina pa niya hawak. "Mabait si Grandpa. Magugustuhan ka nya, I assure you."
Pilit ko siyang nginitian bagaman hindi pa rin nawawala ang nerbyos ko. Pakiramdam ko ay pinagpapawisan ako ng malamig. Hindi nagtagal ay dumating na rin si Don Ismael. Tumayo kami ni Iñigo, siya ay agad humalik sa pisngi nito.
"Grandpa, she's my fiancée, Megan," pakilala sa akin ni Iñigo.
Agad akong lumapit para magmano na ikinangiti ni Don Ismael. Hindi yata ito sanay na minamanuhan, kaya lang nahihiya naman akong makipag-beso.
"I heard a lot about you hija," sabi pa nito.
Sabi ni Iñigo ay nasa early sixties na ang Lolo nito, pero matikas pa rin itong tingnan. Bakas na bakas sa mukha ng matanda ang pagiging aristocratic, isang bagay na namana yata ni Iñigo dito. Mukha siyang seryoso at hindi tipong maaari mong batuhin ng joke. Iisa din sila ng mata ni Iñigo at hindi maipagkakalayong magkadugo talaga sila.
Habang kumakain kami ay nag-uusap ang mag-lolo tungkol sa business, hindi naman ako maka-relate kaya tahimik lang ako. Sa amin kapag nagkikita kami ng Lolo ko madalas kumustahan lang ng buhay-buhay, pero sa mayayaman kahit kumakain na't lahat business pa rin ang topic. At siguro kailangan ko na rin nga masanay. Company President lang naman ang magiging asawa ko.
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...