28 - His POV #3

48 2 0
                                    


January 14, 2008

Dear Diary,


May pinagkakaguluhan ang mga kaklase ko nang dumating ako sa room namin para sa Bio Sci na subject namin. Ito na lang ang nag-iisang subject na kaklase ko si Iñigo, sila Khalil at ýung mga regular classmates ko lahat nasa Review na.


Tumikhim ako ng mahina at bahagya ko pang tinulak ýung likod ng lalaking nakaharang dito sa pinto. Saglit lang niya akong nilingon at binigyang daan akong makapasok. Hindi ko alam kung anong pinagkakaguluhan nila at mga ayaw pang umupo, at dahil wala akong pake sa kanila siniksik ko na lang ýung sarili ko sa napakaliit na daang ibinigay ng kaklase ko. Mga apat na balikat ang nasagi ko bago ako nakaraan para lang din matigilan.


May live show palang nagaganap. Nakaupo si Iñigo sa upuan nya at bahagya ko lang siyang nasisilip dahil nakapalibot sa kanya ýung limang fangirl niya na mga kaklase namin, ýung isa may hawak na cake na sinindihan naman noong isa. Maarteng kumanta sila ng 'happy birthday' at nakikanta na rin ýung iba pang mga kaklase naming nakapalibot din.


Napailing na lang ako at tumuloy na sa upuan ko. I also wanted to sing him 'happy birthday' pero hindi na lang. Baka sabihin pa niyang hindi ko pa rin siya nakakalimutan. Well, hindi naman talaga. Paano ko ba gagawin ýon eh sya lang ang minahal ko mula pa noong bata ako. Umiiwas ako dahil alam kong ýun ang gusto nya pero hindi ibig sabihin wala na siyang halaga. Siguro nga hanggang ganito na lang kami, parang strangers sa isa't isa.


"Here, blow your candle Iñigo," dinig kong sabi pa noong ka-klase kong may hawak ng cake.


"And who told you that today is my birthday?" parang iritadong tanong ni Iñigo kaya napatingin ako sa kanila.


Tumayo si Iñigo sa kinauupuan niya kaya mas kita ko na siya ngayon. "This is no fun," annoyed na sabi niya sabay tabig sa cake na hawak nung estudyante at nakapamulsang umalis. Dinaanan pa niya ako ng masamang tingin bago siya tuluyang nakalabas.


Shock kaming lahat sa ginawa niya. First time niyang nagpakita ng kagaspangan ng ugali sa klase kaya hindi makapaniwala ang lahat.


"Ba't gano'n sya?" humihikbing tanong nung estudyante habang nakayuko at pinupulot ýung nalaglag na cake, kumalat ang icing no'n sa sahig kaya malalang linisan ang gagawin nila ngayon.


Napailing na lang ako at inalis ko na ang tingin sa kanila.


Iñigo thinks that his life is a shit and his birth was a joke. There's no wonder na na-annoyed siya sa ginawa nila. Hindi siya nabubuhay para magpakasaya, kundi para gawin ang kaniyang goal, ang hanapin ang anak ng Daddy nya at paghigantihan. Bahagi siguro nang paghahanap niya ang pagigi nýang babaero.


Sana nga mahanap na niya ýung babaeng ýon at baka sakaling magagawa na niyang maging masaya.



***



May 18, 2009

Dear Diary,


Kakatapos ko lang magtake ng CPA Board Exam, huwag na kayong magtaka na nakapag-take kaagad ako, hinabol ko talaga dahil masyado na akong napag-iiwanan. Noong hindi na ako student assistant nag-fulltime na ako sa school at ýung mga available na oras na lang ýung pinapasok ko sa Isabella's. Yun din kase ang gusto ni Manager Theo, so ýung ibang mga curriculum natapos ko kagad bago ang graduation at nakapag-file ako ng exam in an instant.


So eto papalabas na ako ng assigned room namin nang mamataan ko si Iñigo sa malayo. Matagal na noong huli kaming magkita, graduation pa nila ýon, last year. Parang nag slow motion na naman ýung tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ko sya sa malayo. Sobra ko lang ba siyang na-miss kaya sa tingin ko lalo siyang gumuwapo? At kahit hindi niya ako nakikita para akong timang na nagba-blush. Aning lang?


Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon