June 25, 2007
Dear Diary,
"Lumayo ka kaya Iñigo," pinanlisikan ko siya ng mata. Sinabi ko na sa kaniyang huwag muna siyang magdidikit sa akin dahil baka pag-chismisan kami, heto at walang kasing kulit. Sumasabay pa rin sa paglalakad ko.
"Bakit ba? Ano bang masama kung makita nila tayong magkasama? Dati naman nagsasabay na tayo pero okay lang saýo."
"Noon ýon. Hindi pa tayo noon."
Kinunutan niya ako ng noo. "At kung kelan na girlfriend na kita saka kita dapat layuan? I don't get it."
Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. "We will faced them like this. I don't care. And you shouldn't bother. We were not here to please them," hinila na niya ako paakyat sa hagdan at wala naman akong nagawa.
Pagdating namin sa room sinalubong kami ng nanunuring tingin ng mga classmates namin, particular nila Camille at Gladys kaya bigla ako napabitaw kay Iñigo, pero hindi niya binitiwan ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya at nginitian lang niya ako.
Napatingin din ako kay Khalil na blangko ang ekspresyong nakapaskil sa mukha. Tumayo siya at sinalubong kami tapos balewalang inagaw ang kamay ko kay Iñigo.
"Em! Na-miss kita," ani Khalil, ngayon ay nakangiti na. Hinila niya ako papunta sa upuan namin.
Napalingon na lang ako kay Iñigo na masama ang tingin sa aming dalawa at nakapamulsang tinungo ang kaniyang upuan.
***
"Talaga bang magkaibigan lang kayo ng lalaking ýon?" halata sa mukha ni Iñigo ang inis habang nang-uusig ang tingin sa akin. Magkasama na kami ngayon papuntang canteen para mag-lunch. Kanina pang aburido ang mukha niya, mula yata ng magsimula ang klase namin hanggang sa matapos.
"Ba't ba pinag-iinitan mo si Khalil?"
"Panong hindi, alam mo namang nagseselos ako."
Napangiti na lang ako at sinuntok ko siya ng mahina sa braso. "Mas siya ang nagseselos saýo. Kaya ayusin mo na ýang mukha mo."
Lumabi siya. "Eh kase nga may gusto siya saýo."
"Pero ikaw nga ang gusto ko kaya 'wag ka na magalit dyan."
Bigla ang pagbabago ng hitsura ni Iñigo. Tumigil siya sa paglakad at hinarang ang katawan sa akin.
"Promise ýan?" nakangiti na siya ngayon.
Napangiti na rin ako at tumango. "Promise po Mr. Iñigo dela Torre. Ikaw lang."
Namula siya at parang nanggigigil na ibinuka ang mga kamay. Pinanlakihan ko naman siya ng mata. Alam kong gusto niya akong yakapin kaya lang ay nasa school kami at ang daming nakakakita. Natawa na lang siya saka ibinaba ang kamay at pinisil naman ang baba ko.
"Bilisan nating tumanda. Gusto na kitang pakasalan para wala na akong maging kaagaw saýo."
Ako naman ngayon ang namula ang mukha. Nakurot ko na lang siya sa braso. Masyado na niya akong nilulunod sa kilig.
***
July 21, 2007
Dear Diary,
Lunch break namin at nandito kami sa Lake ni Iñigo. Dito na naman niya ako dinala sa restaurant niya. Buti at hindi ito nalulugi. Palagi na lang kaming kumakain dito tuwing Sabado. Dito pa kami pumuwesto sa second floor, bandang balcony. Ang alam ko ginagamit lang ang space na 'to kapag may mga malalaking reservations gaya ng corporal meetings ng mga company, birthday at christening.
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...