21 - It's A Yes!

52 3 0
                                    


Palinga-linga ako dahil hinahanap ko sina Iñigo, nagsimula na kase ang program pero wala pa rin sila dito sa event hall. Tinatawag na isa-isa ang mga representatives ng bawat school at sa malas bawat school na tatawagin ay kailangang umakyat sa stage at gumawa ng intermission number. Hindi namin alam na may ganitong introduction pero sinadya daw ng organizer na hindi ipaalam sa mga school ang itinerary sa opening para may thrill at excitement daw, at kanina pa ako pinagpapawisan ng malamig dahil sa kaba.

"Girl, alam ko magaling kang kumanta, ba't kinakabahan ka?" puna sa akin ni Kim.

"Ganito talaga ako, laging kinakabahan," sagot ko na lang.

"Nakuh girl, kaya mo ýan. Besides magaling din kumanta ang kapartner mo. Ang swerte nyo nga eh, gifted kayo pareho. Paano kaya kami ni Rustan?" sinundan niya ng tawa ang sinabi.

Ngumiti lang ako ng pilit, hindi ko magawang mahawa sa pagiging kalmado niya dahil kinakabahan talaga ako.

At lalo pang tumindi ang kaba ko ng tawagin na ang school namin at wala pa rin si Iñigo.

"Kaya mo na yan girl kahit ikaw na lang mag-isa. Go!" pag-cheer pa sa akin ni Kim kasabay ng palakpakan ng mga audience.

Napilitan akong tumayo at umakyat sa stage mag-isa. Binati ako ng emcee at hinayaang ipakilala ang sarili ko. Nanghiram na rin ako ng gitara dahil wala daw silang minus one ng kakantahin ko.

Mas tumindi ang kaba ko ng maupo na ako sa stool na inilagay ng staff sa gitna ng stage at ipwesto ang gitara sa lap ko. First time kong maggigitara sa harap ng maraming tao kaya natatakot akong magkamali. Kung sana kase andito si Iñigo. Mas bihasa kase siya sa pag gigitara.

Sinimulan ko ng tumugtog kahit bahagyang nagshi-shake ang daliri ko.

Come with me stay the night
Just say the words but, boy, it don't feel right
What to ya expect me to say?

You take my hand
And you say you've changed
But boy, you know your begging don't fool me
Because to you it's just a game

At the end of the song, nakita ko si Iñigo sa may gilid ng stage, seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

Nang tawagin na sina Kim, naiwan kaming dalawa ni Iñigo, noon siya lumipat sa tabi ko.

"Kinakabahan ka kanina, 'no?"

"Sobra. Alam mo naman hindi ako ganon ka-confident sa boses ko. San ka ba nanggaling? Ba't ang tagal nyo?" pinilit kong gawing casual ang pakikipag-usap.

"Ni-lock nyo po ýung pinto ng room natin, nanghiram pa kami ng susi sa admin."

Napatakip naman ako ng bibig sa sinabi nya. "Sorry, ako yata ang nag-lock."

"Äyos lang. Nakaabot naman ako," nakangiti nang aniya.

"Sana tinawagan nyo kami ni Kim."

"Para makulitan ka na naman sa akin?"

Napalunok ako dahil do'n. Talagang sineryoso pala niya ýung sinabi ko.

"Nagbibiro lang ako nun, sorry."

Ngumiti naman siya at pinisil ang pisngi ko. "Apology accepted. Basta 'wag mo na ulit sasabihin ýon ha, nasasaktan kase ako pag pinaparamdam mo sa 'ken na wala akong halaga saýo."

"Mahalaga ka sa akin, alam mo ýan," tulak ng damdamin ay nasambit ko.

Kumislap ang mga mata niyang nakatitig sa akin. "Hindi ko alam, hindi mo naman kase pinapakita. Iniiwasan mo ako. Hindi ka nagre-reply sa mga text ko. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko."

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon