Nanlalambot pa ang tuhod ko nang makabalik ako sa worktable ko. At hindi ko pa man nare-relax ang mga ugat ko ay nilapitan na ako agad ni Kara."Anyare? Napagalitan ka?" Tipid akong ngumiti at umiling kaya siniko niya ako ng mahina sa braso. "Kaasar 'to, napaka malihim mo."
Natawa na lang ako sa naging reaction nya. "At ang tsismosa mo," nakangusong sagot ko.
"Dali na kase, ba't ka nya pinasunod? Anong sabi saýo?"
Dahil walang kasing kulit ang babaeng ito, wala akong pagpipilian kundi ang magbigay ng kaunting detalye.
"Nangangamusta lang, schoolmate kami no'ng college."
Sukat sa sinabi ko ay hinigit niya naman ang buhok ko. "Sinungaling," sabay ingos niya at hinila na ulit ýung upuan pabalik sa mesa.
Napailing na lang ako habang napapangiti. Sino nga ba ang maniniwala na matagal na kaming magkakilala ni Iñigo? Kung ýun ngang sabihin kong schoolmate kami akala niya nagbibiro ako, hindi ko pa sinabing classmate kami ha? Paano pa kaya kung sabihin ko sa kanilang ex- ko sya, hindi kaya pagtawanan lang nila ako?
Binalikan ko na ang naiwan kong trabaho kanina. Pinilit kong mag-concentrate kahit na ginugulo pa rin ni Iñigo ang isip ko. Maya-maya ay umilaw ang naka-silent kong phone sa gilid. Nang tingnan ko ýon ay nakita ko ang missed call ng isang familiar na number. Simula ng maging akin 'tong cellphone ni minsan ay walang naligaw na text galing sa number na ýon. Ang huli niyang tawag dito ay noóng pinapunta niya ako bahay niya... Ýung araw na nag-kiss kami. But I still have his number in my head, kahit hindi naka-phonebook, kabisadong-kabisado ko pa rin ang bawat digits.
Nag-blink ang ilaw ng cellphone at nag-prompt ang isang text message. Nahigit ko ang paghinga habang binabasa ko ýon.
'Meet me at the basement after your work'
Basement ulit. What is it this time?
Nagtatalo ang isip ko kung makikipagkita ako kay Iñigo o hindi, lalo at nakaabang na si Euseph nang lumabas ako sa office namin.
"Ang sipag ng manliligaw natin Meg," biro ni Gretchen, ang batang Payroll Accountant namin. Matanda lang yata sa akin ng isang taon.
"Mga inggit lang kayo," sabi naman ni Ate Winnie na naka-assign naman sa Tax Report, nasa early thirties na siya at pamilyado na. Hinila na niya sa braso sina Kara at Gretchen bago nagba-bye sa akin.
Natatawa na lang na nag-wave ako sa kanila saka ko binalingan si Euseph na ang ganda din ng ngiti sa tabi ko.
"Shall we?" sabi niya at iniumang pa ang siko na parang inaalok akong kumapit sa kaniyang braso. Mahinang sinuntok ko lang ýon.
"Puro ka kalokohan." Humakbang na ako patungo sa elevator, nakaagapay naman siya sa akin.
Habang sakay kami ng elevator patungo sa basement ay panay ang kagat ko ng labi. Nangangamba akong makita kami ni Iñigo. Hindi ko siya nireplyan kanina pero baka naghihintay ýon sa parking. Hindi ko naman masabihan si Euseph na hindi na lang ako sasabay.
Hay! Relax Megan! Kalma ka lang. Kung makita mo si Iñigo sabihin mo wala kang nare-receive na text.
"Hey!" pukaw sa akin ni Euseph na napapitik ng daliri sa harapan ko. "Tulaley?"
"May naisip lang ako," pagdadahilan ko.
Nang bumukas ang pinto sa basement ay namigat ang paa ko. Parang ayaw ko nang ihakbang, at nakahinga lang ako ng maluwag nang marating namin ang kinapaparadahan ng kotse ni Euseph ng walang sumulpot na anino ni Iñigo.
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...