June 14, 2007
Dear Diary...
Nagkakaingayan sa room namin ng pumasok ako para sa subject kong Philippine Literature. Ito ang last subject ng mga regular student kapag T-TH, at first subject ko naman.
"Si Khalil?" tanong ko kay Jaja matapos kong ibaba ang bag ko sa upuan. Magkakasama kasi kami dito sa row, sa gitna namin ni Jaja nakaupo si Khalil at bakante ang upuan nito.
"Lumabas kasama sina Alinea." Bryan Alex Alinea aka 'Bryx' [bricks] ang tinutukoy niya. Classmate namin at kaibigan din ni Khalil.
Umupo na ako at nilabas ko na lang 'yung ballpen at notebook ko para sa paghahanda sa klase. Naramdaman kong kinakalabit ako ni Jaja kaya napatingin ako sa kaniya.
"Nabalitaan mo?" makahulugang tanong niya at pasimple pang sinulyapan 'yung kabilang row kung saan naman nakaupo sina Camille at Gladys. "May load ka?"
Mukhang nage-gets ko na ang sasabihin niya. Umo-o na lang ako. Nilabas nga niya 'yung cellphone niya at nagtext. Narinig ko naman 'yung message alert tone ng cp ko. Naka-beep once lang ako at level two lang 'yung volume para hindi siya masyado maka-distract sa iba.
Kumindat pa sa akin si Jaja ng ilabas ko na ang cellphone ko.
"Inabot mo un live show nung Monday?" text niya.
Wala kaming pasok noong Tuesday dahil Independence day at kahapon naman ay may general meeting ang teachers faculty at PTA naman noong hapon kaya wala rin kaming pasok, maliban sa akin, kaya ngayon lang ako makakabalita sa naganap noong Lunes.
"Hindi. Ano bang nangyari?" reply ko naman.
"Nagsampalan at nagsabunutan 'yung dalawang nagmamaganda dahil kay Iñigo."
"Yun nga 'yung intindi ko."
"Pinaparinggan kasi ni Aranza si Martin. Wala na rin kasi sila ni Iñigo." Gladys Aranza at Lady Camille Martin ang tinutukoy niya. Last name basis kasi kami dito pag hindi magkaka-close.
"At alam mo ba kung sinong next target ni Casanova?" dagdag pang text niya. Bigla naman akong kinabahan sa text na ito.
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...