April 28, 2007
Dear Diary,
Ang sakit...sobra...bakit ganon diary? He told me to wait tapos ganito 'yung mapapala ko sa paghihintay ko?
Hindi naman ako umasa na may future kami. Pero paano ba? Mahal ko sya. Oo mahal ko sya. Kahit kailan hindi siya nawala sa puso ko. Siya lang 'yung lalaking pinangarap ko sa buong buhay ko.
Pero ako lang pala 'yung lihim na nagmamahal dito.
Bakit nga ba hindi ko agad naisip 'yon?
Bakit nawala sa isip ko na baka naghihintay ako sa wala?
Bakit kailangan kong masaktan Diary? Bakit?
"Megan," tawag sa akin ni Mama.
Lumabas naman ako ng kwarto. "Po?"
Iniabot sa akin ni Mama 'yung isang plastic ng Natasha. "Pakidala mo nga muna ito kay Helen."
Nakakunot 'yung noo ko nung tinanggap ko 'yung plastic. "Sinong Helen Ma?"
"Yung katulong dyan sa malaking bahay. Sa alaga niya 'yan. Inorder sa akin."
Natigilan naman ako sabay lihim na napalunok. Mayaman naman siya at galing sa Maynila, bakit kailangang kay Mama pa siya umorder ng sapatos?
"Hoy kilos na. Hinihintay 'yan doon. Rush 'yan at gagamitin daw nung alaga niya sa pasukan. Kaya dalhin mo na at para kapag hindi kasya ay mapalitan."
"Right away Ma'am!" biro ko kay Mama saka ako tumalilis palabas ng bahay. Excited ako. Kase makikita ko si Iñigo. Yey!!!
Pagdating ko sa may gate ng dela Torre Mansion inayos ko pa 'yung damit ko kase baka lukot-lukot. Buti na lang nakapaligo na ako. Sinipit ko pa 'yung ilang hibla ng buhok ko sa tenga ko saka ako nag-doorbell. Saglit lang bumukas na 'yung gate at tumambad sa akin ang isang babae na agad ko namang nakilala...si Ate Helen. Medyo nag-matured na siya. Ang tibay niya. Akalain mo 'yon, tumagal siya sa paninilbihan kina Iñigo. Si Gino kasi noong umalis 'yung pamilya nya tinanggal na dito sa mansion. Ini-extra na lang sya paminsan-minsan noong katiwala dito, si Na Linda.
"Magandang araw po. Anak po ako ni Airene--"
"Iyan 'yung sapatos? Halika pasok," nakangiti niyang sabi.
Pumasok naman ako at isinara niya ulit 'yung gate saka humarap sa akin. "Ikaw si Megan ano? 'Yung nandito noon? 'Yung nahulog sa pool?"
Alanganin 'yung ngiti ko habang tumatango. Nahiya naman ako. Tanda pa pala niya 'yon.
"Sabi na at lalaki kang magandang bata."
Ay! Namula naman 'yung pisngi ko don. Pakiramdam ko nanlaki pa 'yung ulo ko. Maganda daw ako? Hehe...
"Halika," yaya pa niya sa akin.
Pumasok kami sa loob ng bahay. Ang lakas ng kaba ko. It's been eight years since I entered this mansion. Wala namang masyadong pinagbago 'yung bahay aside sa lumungkot 'yung ambiance. Dahil siguro matagal hindi natirhan. Nawala na rin 'yung mga pictures na natawanan ko dating naka-display.
"Nasa lanai si Iggy, dalhin mo na lang iyang sapatos sa kaniya. Ikukuha lang kita ng maiinom sa kusina ha."
Iggy? Sino 'yon? Hindi pala para kay Iñigo 'tong sapatos? Na-disappoint naman ako. Akala ko pa naman makikita ko si Iñigo. Pagkakataon na rin sana na makausap ko siya.
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...