20 - New Friend

69 3 0
                                    


June 20, 2007

Dear Diary,


Pangalawang araw ng pagtatago at pag-iwas ko kay Iñigo. Hindi ko kase alam kung paano ko siya haharapin pagkatapos ng mga sinabi niya sa akin noong Lunes. Naguguluhan ako at hindi nakakatulong na araw-araw kaming magkasama at nag-uusap. Natatakot akong malaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya, or mas tamang sabihin na natatakot akong mapatunayan niyang tama siya na gusto ko siya at nagseselos ako kay Sophia.


Kada daan niya sa bahay pag umaga pinapasabi ko kay Marga na nauna na akong umalis. Sa school naman sinasadya kong pumasok sa room pag alam kong parating na ang prof namin parang walang chance si Iñigo na makalapit sa akin. Ganon din pag tapos ng klase, lumalabas ako agad. Kunwari pinapatawag ako ni Dean, ng Librarian Head, o ng kahit sino makatakas lang ako sa kanya.

Sa klase naman namin sa Fin 3, sinadya kong makipagpalit ng upuan sa classmate kong malakas ang tama kay Iñigo. Syempre pabor na pabor sa kanya ang pakikipagpalit ko ng upuan.


Pero ngayong araw na 'to mukhang wala akong kawala. Sabay lang naman kaming pinatawag ng Dean. Kami daw ni Iñigo ang ipapadala ng school as representatives para sa Convention na gaganapin sa Cavite. At bukas na ng umaga ang alis namin. Nagvolunteer din si Iñigo na hindi na namin kailangan ng service dahil sasakyan na lang niya ang gagamitin namin na ikinatuwa ni Dean.


Ng idismiss kami ni Dean agad akong nahila ni Iñigo sa kamay.


"Pupunta pa ako sa library, baka hinahanap na ako ni Maám de Mesa," dahilan ko habang hila-hila niya ako. Baka sakaling makakalusot kaso hindi.


"Saglit lang talaga, mag-uusap lang tayo." Nang nasa medyo tago na kaming lugar saka niya ako binitiwan at hinarap.


"Yung totoo, iniiwasan mo ba ako?" kunot na kunot ang noong tanong niya.


"Hindi ah, bakit naman kita iiwasan?" goodness gracious! Buti at ang galing kong umarte. Mukhang okay ako kahit ang totoo nanlalambot na ang tuhod ko sa lakas ng kabog ng dibdib ko.


"Sure? Eh bakit hindi ka nagre-reply?"


"Kase wala akong load?"


Napa-tss lang siya at pinisil ang pisngi ko. "Sana sinabi mo. Kala ko kase iniiwasan mo ako eh. Hindi kaya kita mahagilap."


"May dahilan ba para iwasan kita?"


Nagkibit siya ng balikat. "Meron ba?"


Ngumiti naman ako ng pilit para panindigan ang palusot ko. "Syempre wala. Babalik na ako sa library. Ikaw ba?"


"Syempre sasabay ako. Tara." Inakbayan pa niya ako kaya napalunok ako.


"Ehem, Mister, hindi magaan ang braso. Libreng tanggalin bago pa kita masiko," pabirong sabi ko na lang.


Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon