22 - Taas-noo

53 3 0
                                    


"Pagdikitin na lang kaya natin ang bed natin?" mapanuksong sabi ni Iñigo ng naghahanda na kami para matulog.

Sinimangutan ko naman siya. "Mukha mo!"

"Gwapo," natatawang dugtong niya. Pumuwesto naman na ako para matulog.

"First time kita makakasamang matulog."

"First time ko nagka-boyfriend," sarcastic naman na sabi ko.

"And I'm honored," sagot naman niya na nagpainit na naman sa pisngi ko.

"Yeee! Ang cheesy nyong dalawa. Tama na 'yan at baka makauwi pa si Rustan sa girlfriend niya sa sobrang inggit," singit ni Kim sa amin.

"Wala akong girlfriend huy!" sagot naman ni Rustan kay Kim. "NGSY ako."

"NGSY?" kunot ang noong baling ko sa kanila.

Si Kim naman ang sumagot. "No Girlfriend Since Yesterday. Wag ka masyado makikipag-usap dito kay Rustan dahil may pagka-alien 'to."

"Alien ka dyan, gapangin kita mamaya eh," nakangising sabi naman ni Rustan na tinawanan lang namin ni Iñigo.

"Subukan mo lang ng hindi ka na sikatan ng araw," nakaingos na sagot ni Kim at ibinalot pa ang kumot sa katawan bago nahiga. Si Rustan naman ay tumayo para patayin ang ilaw kaya nahiga na rin kami ni Iñigo.

Nagtalukbong ako ng kumot sa mukha dahil naiilang akong isipin na halos kalahating dipa lang ang pagitan namin ni Iñigo. Baka mamaya pinapanood pa niya ang pagtulog ko, nakakahiya.

"Night guys, night KimmyDora," narinig kong sabi pa ni Rustan.

"Night Kokey," inaantok na sagot naman ni Kim.

Paglipas ng ilang minuto tumahimik na ang buong silid. Malamang tulog na silang lahat pati si Iñigo na kanina pa hindi nagsasalita. Ako lang ang hindi dapuan ng antok, wala kase akong dalang pocketbook o kahit man lang sana anong librong pwede kong mabasa para mabilis akong makatulog.

Naramdaman kong may humihila sa kumot na nakatakip sa mukha ko kaya napatagilid ako paharap kay Iñigo. Mula sa liwanag ng ilaw sa labas ng room nakita ko ang ngiti niya pag-alis ko ng kumot sa mukha ko. Gising pa pala ang loko.

"I love you," he whispered.

"I love you too," I whispered back na lalong ikinaganda ng ngiti niya. Inabot niya ang isang kamay na tinanggap ko naman.



****


Paggising ko kinaumagahan namulatan ko ang isang bouquet ng pink roses sa tabi ko. Maganda ang ngiti ko ng bumangon. Hinawakan ko ang bulaklak at tiningnan ang maliit na card na nakasuksok sa gilid. Obviously from Iñigo.

Let me be the first reason of your smile today.

I love you Miggy!
Happy 2nd day!

Mas lumapad lang ang ngiti ko sa munting message niya. At talagang nag-effort pa syang gumising ng maaga para dito?

Luminga-linga ako para hanapin siya pero ako na lang mag-isa ang andito sa room. Asan na kaya ýun? Siya namang paglabas ni Kim sa CR. Nanunudyo ang ngiti niya habang tinutuyo ng towel ang kanyang basang buhok.

"Ang sweet ni boyfie! In fairness girl, hindi talaga sya ganyan kay Bianca."

Nginitian ko lang ang komento nya. Ayoko ng isipin kung paano naging boyfriend si Iñigo sa ibang mga naging girlfriend niya. Ang importante sa akin ngayon kami na at gagawin ko ang lahat para seryosohin niya ako at hindi kami magaya sa mga nauna niya.

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon