September 24, 2009
Dear Diary,
Nagising ako nang maramdaman kong may dumampi sa labi ko. Nagmulat ako ng mata at si Iñigo ang nabungaran ko.
"Hala anong oras na?" Bigla akong napabalikwas ng bangon pero hinawakan niya ako sa braso.
"Mahal sorry, nagising kita," mahinang sabi niya na parang siya pa ýung nabahala.
"Aalis ka na?" Nakabihis na siya nang hindi ko man lang namalayan. Sabi ko pa naman ako ang gigising sa kanya. Gosh! Paano ako nakatulog ng gano'n kahimbing? Hindi ako nagising nang tumunog ang alarm nya? Samantalang dati konting kaluskos nagigising ako kaagad.
Tumango siya. "Hindi na sana kita gigisingin eh, tulog ka na ulit."
"Eh teka, ýung laptop mo hindi ko pa na-ready. Ýung passport mo- " nagtangka akong tumayo pero pinigilan niya ako sa balikat.
"Okay na Mahal. Okay na lahat," nakangiting sabi niya sabay haplos pa sa pisngi ko. "I have to go, nandýan na si Ken."
"Hindi ba talaga pwedeng ihatid kita sa airport?" Noong isang araw ko pa ýun inuungot sa kanya pero naninindigan talaga siyang hindi pwede.
Umiling siya. "Wag na Mahal. Matulog ka na lang ulit, okay?" Hinalikan niya ako sa noo. "I'll call you when I get there. I love you."
Tumayo na siya at binitbit sa kamay ýung coat niya. Nasundan ko na lang siya ng tingin. Nahungkag ýung pakiramdam ko. Masyado na yata akong nasanay na nasa tabi ko siya lagi. Kahit isang linggo lang siyang mawawala parang pakiramdam ko ang tagal pa rin no'n.
***
Nandito kami ni Euseph sa terrace ng third floor, nagpapahangin. Ngayon na lang ulit siya nakipag-usap sa akin. Humingi pa daw siya ng permiso kay Iñigo para kausapin ako.
"I will Miss you, Meg," sabi niya sa akin. Nakangiti siya pero hindi iyon umabot sa kaniyang mata.
"Para namang aalis ka kung magsalita."
Marahan siyang tumango kaya nangunot ang noo ko. "Sophie and I will be leaving for Canada."
Nashock naman ako sa sinabi niya at napatitig lang ako sa kanya. Kaya ba hindi ko siya nakikita sa nakalipas na mga araw dahil nag-aasikaso siya paalis?
Bigla akong nakadama ng lungkot. Naging napakabuti sa akin ni Euseph, at kahit naman si Iñigo pa rin ang pinili ko, gusto ko pa ring manatili ang pagkakaibigan namin. At hindi ko maiwasang hindi malungkot dahil sa plano niya. "Dahil ba sa amin ni Iñigo?"
Ngumiti siya at umiling. "Actually dapat matagal na ýon. When my Dad died, pinapalipat na kami ng Tita ko do'n. Kaya lang ayaw ni Sophie. Hindi nya kayang iwan si Iñigo. Pero ngayon wala naman na syang reason to stay. At mas mabuti na ýon para mabilis siyang maka-move on."
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...