15 - He won...

172 5 0
                                    


...


Hindi na ako nagulat nang makita ko si Iñigo dito sa harapan ko paglapag na paglapag ko pa lang ng pagkain sa mesa. At dahil ayoko siyang makaharap ngayon bubuhatin ko na sana ulit 'yung tray ng pagkain pero pinigilan niya ako. 



"San ka punta?"



"Hindi ba halatang aalis?" sarcastic na tugon ko.



"Hindi dito ka lang," parang boss na sabi niya. 



"Mukhang di mo gets kaya sasabihin ko na lang. Ayaw kitang ka-share sa mesa. Hindi ba obvious?"



"Obvious. Hindi naman ako manhid eh," annoyed na sabi niya. Buti at tinalaban. "Pero kung di mo naitatanong eh may kakulitan ako kaya sa tingin ko wala kang magagawa sa'ken." Inabot pa niya ang magkabila kong balikat at tinuunan yun. "Now sit or else magkakaroon na naman ng live show dito."



At ano nga bang magagawa ko? Kesa gumawa na naman siya ng eksena dito di umupo na lang. Pero di ko siya pinapansin habang kumakain ako, kahit panay ang tanong niya.



"Anong pinag-usapan nyo ni Sarmiento kanina?" Paki mo? 



"................"



"Ba't ayaw mong magsalita?" Again, I repeat... PAKI MO?



".............."



"Kausapin mo naman ako Miggy. Di ba dapat nga mag-sorry ka pa sa'ken? Ang dami mo na kayang atraso sa'ken." Abah ang kapal din. Ako pa daw may atraso sa kanya? Bahala ka dyan. Bingi-bingihan ako. 



Nung mapikon na yata tumayo siya. Akala ko aalis pero nagulat na lang ako ng magsalita siya ng malakas.



"EVERYBODY! MAY I HAVE YOUR ATTENTION FOR A WHILE PLEASE!" Teka anong plano nito? Napatingin ako sa mga estudyanteng kumakain din dito sa cafeteria at lahat sila nakatingin na nga sa amin. "Thank you guys, gusto ko lang sana--" tumayo ako at tinakpan ko na agad ang bibig niya bago pa kung anong kalokohan na naman ang lumabas doon.



"Tumahimik ka dela Torre. Nakakabugnot ka!" gigil na sabi ko. 



Pinatong naman niya 'yung kamay niya sa kamay kong nakatakip sa bibig niya at kita kong napapangiti 'yung mata nya. And the hell with this electricity! Palagi na lang akong parang naga-ground, kaya inalis ko na yung takip sa bibig niya para maalis na rin 'yung kamay niya sa kamay ko.


"Magsasalita ka rin naman pala eh," nakangising sabi niya saka muling naupo. Yun mga estudyante naman inalis na ulit yung tingin sa amin, while 'yung ibang mga girls ay parang disappointed na hindi naituloy ni Iñigo yung sasabihin.



Bumalik na rin ako sa pag-upo at pinagpatuloy na lang ang pagkain kahit nawalan na ako ng gana. Panira kasi ng appetite talaga ang lalaking ito eh. Kung ito ang lagi kong kaharap kapag lunch panigurado magiging kalansay ako nito.

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon