26 - Oo

61 3 0
                                    

"I am here as a friend," iyon ang isinagot ni Iñigo. Nakatiimbagang lang siyang nakatitig sa akin. "Let's not argue here, gusto mo ba talagang napag-uusapan ka?"

Napatingin ako sa paligid ko at kulang na lang ay hilingin kong bumuka ang kinatatayuan ko at lamunin na lang ako ng buo sa labis na kahihiyan. Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Hinila ako ni Iñigo sa braso papasok sa restaurant at pumuwesto kami sa pinaka-sulok. Agad niya akong inabutan ng panyo nang makaupo kami sa pang-apatang mesa. Tinanggap ko na lang din iyon at pinunas ko agad sa basa kong pisngi.

Lumapit agad sa amin ang waitress at binigyan kami ng tig-isang menu pero hindi ako nag-abalang tingnan iyon. Nakatingin lang ako kay Iñigo. Hindi ko alam kung bakit dito pa namin kailangang mag-usap, at kung bakit kailangang kumain pa kaming dalawa.

Tinapunan niya ako ng tingin ng hindi ko galawin ang menu at siya na ang nagbigay ng order sa waitress. Magalang naman nagpaalam ýung waitress pagkatapos niyang kunin ýung order ni Iñigo. At saka ako muli nagsalita.

"Ba't tayo nandito?"

"Let's talk after we eat," malamig na tugon niya. Sumandal siya sa upuan at inabala ang sarili sa cellphone.

Mukha naman akong tanga na hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang tingin ko. An awkward silence started to envelope us, followed by a tearful song I wish not to hear at the very moment.

Put away the pictures

Put away the memories

I've poured over and over through my tears

I've held them till I'm blind

They kept my hope alive

As if somehow that might keep you here

Once you believed in a love forever more

How do you leave it in a drawer

Now here it comes

The hardest part of all

Unchain my heart that's holding on

How do I start to live my life alone

Guess I'm just learning

Learning the art of letting go

Try to say it's over

Say the word goodbye

But each time it catches in my throat

You're still here in me

And I can't set you free

So hold on to what I wanted most

Baby someday we'll be friends forever more

Wish I could open up that door

Now here it comes

The hardest part of all

Unchain my heart that's holding on

How do I start to live my life alone

Guess I'm just learning

Learning the art of letting go

Sa pagtatapos ng kanta ay natagpuan ko ang sarili kong lumuluha habang nakikipagtitigan kay Iñigo. Masyadong nakakadala ang kantang ýon. Tagos sa puso, nakakaasar! At itong luha kong pasaway naman ayaw paawat.

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon