"Nagkabalikan na sila talaga."
Napatigil ako sa gagawin ko sanang pagbubukas sa pinto ng cubicle nang marinig ko ang boses na ýon ni Lizie. Malamang na si Camille ang kausap niya.
At hindi nga ako nagkamali.
"Iñigo was just using her, I know."
"Pero di ba childhood sweetheart sila?"
"Liz, kahit mag-asawa pa sila, Iñigo is one of a Casanova. At hindi na magbabago ýun. Unless mahal niya si Gonzales? But I doubt that. Hindi marunong magmahal si Iñigo. Let's go."
Nang masiguro kong wala na sina Camille at Lizie ay saka ko nanginginig na binuksan ang pinto ng cubicle. Dumirecho ako sa may sink at naghilamos ako ng mukha. Tumingin ako sa salamin at tinitigan ko ang sarili ko.
Paano kung totoo ang sinasabi ni Camille, Diary? Paano kung ginagamit lang ako ni Iñigo? At alam kong hindi na siya talaga magbabago. Isa siyang Casanova... at kahit kailan hindi niya ako mamahalin...
Naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko sa bulsa ng palda ko kaya nabaling doon ang atensyon ko. Nilabas ko ang cellphone kasama ang panyo ko. Tinuyo ko muna ang basa kong mukha bago ko binasa ang message na galing kay Iñigo.
'Wer r u?'
Hindi ko na lang siya ni-replyan. Paglabas ko sa CR ay sa library na ako tumuloy. Nawalan ako ng ganang mag-lunch sa mga narinig ko.
At dahil may isang oras pa talaga ako bago ang duty ko, pinili kong pumunta sa Archive Section na nasa pinaka-dulo ng library. Bihira ang pumupunta ritong estudyante, lalo na kung ganitong oras.
Naupo ako sa carpeted na sahig at isinandal ko ang likod at ulo ko sa shelves. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya antok na antok ako. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinikap kong maidlip. Kahit ngayon lang, aalisin ko muna sa isip ko si Iñigo. Simula ng dumating siya, parang ang buong pagkatao ko ay umikot na sa kanya.
Naiinis ako sa sarili ko Diary dahil masyado akong nagpapaapekto sa nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung ano lang talaga ang gusto ko. Magkaibigan lang kami pero bakit tinatanggap ng puso ko ang sakit sa tuwing ipapamukha sa akin na isa siyang Casanova?
Marahan akong nagmulat ng mata. Nangunot ang noo ko nang ma-realize kong may katabi ako at nakahilig ako sa balikat niya. Gulat na nilayo ko ang ulo ko at tiningnan ang katabi ko at lalo lang nanlaki ang mata ko ng si Iñigo ang mabungaran ko. Nakangiti siya.
Ganun ba ako katagal naka-idlip at hindi ko man lang namalayan ang pagdating nya? And worst of all natulog pa ako sa balikat nya. May garrrddd Megan! Nakakahiya ka!
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...