June 17, 2007
Dear Diary,
Nagising ako sa tunog ng gitara na nagmumula sa may terrace ng bahay. Sinipat ko ang orasan sa gilid ko, alas onse na ng umaga. Nakatulog ako kanina pagkatapos kong maglaba at maligo.
Naghihikab na bumaba ako mula sa higaan at sinilip ko sa bintana kung sino ang tao sa may terrace. Imposibleng si Marga ang tumutugtog dahil nandito sa kwarto ko ang gitarang bigay sa akin ni Khalil.
Si Gino at si Marga ang nakita kong magkatabing nakaupo sa may pasimano ng balkonahe. Nakatingin sila pareho sa tumutugtog na ang tangi ko lang nakita ay ang kamay at ang ulo ng gitara.
Umalis na ako sa may bintana at inayos ko na lang ang sarili ko. Humarap ako sa salamin at inayos ang nagulo ko ng buhok. Pero naririnig ko pa rin ang boses ni Marga sa labas.
"Gisingin ko kaya si Ate, ang galing na din no'n mag-gitara. Tamad nga lang magturo. Laging nakamukmok sa kwarto."
Malditang babae. Talagang kailangan akong ibida sa iba?
"Pinaglihi ýun ni Tita sa Bampira, takot maarawan," boses naman iyon ni Gino.
Hintay lang talaga kayong dalawa. Pag ako nakalabas humanda talaga kayo.
Pinusod ko lang ang buhok ko at lumabas na ako ng kwarto. Dumirecho ako sa terrace para lang matigilan dahil andun si Iñigo. Siya ang tumutugtog ng gitara. Napatingin siya sa akin nang makita ako. Nginitian ko naman siya.
Matapos naming mag-usap kahapon ay naging maayos na kahit papaano ang pakikitungo ko sa kanya, at ganun din sya sa akin. Talagang nagbalik na ang totoong Iñigo.
"Ate, kunin mo ang gitara mo, sabayan mo si Kuya Iñigo tumugtog," salubong sa akin ni Marga.
"Oo nga Loves. Kantahan mo naman ako bago ako umalis," sang-ayon naman ni Gino na kinakunot ng noo ko.
Hindi ko na pinansin ang pagtawag niya sa akin ng Loves kahit nasa harap pa namin si Iñigo. Naipaliwanag ko na sa kanya kahapon ang estado namin ni Gino.
"Saan ka naman pupunta? Mag-a-abroad ka na?"
"Napa-assign ako sa Maynila," sagot niya.
"Buti at mawawalan na tayo ng asungot dito Ate."
"Asungot ka jan." Bahagyang tinulak ni Gino si Marga na tinawanan lang nito.
Sumandig lang ako sa may hamba ng pinto at humalukipkip. "Kelan naman ang alis mo?"
Si Marga ang mabilis na sumagot. "Mamaya Ate. Ihahatid sya ni Kuya Iñigo. Sama tayo Ate, walang kasama si Kuya Iñigo pabalik."
Kanina pa syang Kuya ng Kuya kay Iñigo, samantalang si Gino na mas matanda sa amin ni Iñigo hindi niya tinatawag na Kuya. Hay Marga Dear.
"Kunwaring si Iñigo ang concern. Aminin mo ng mami-miss mo lang ako."
Binelatan lang ni Marga ang biro ni Gino. "Asa ka naman, ew!"
BINABASA MO ANG
Casanova's Diary
RomanceMay kasabihan na "sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy" Akala ko dati totoong prusisyon ang ibig sabihin noon, pero hindi pala, kundi pagkahaba-habang pagsubok sa pagmamahalan ninyo ng mahal mo. And I am one of those people na nak...