47 - Hihintayin kita

46 2 0
                                    

December 02, 2009

Dear Diary,

"Meg, ba't ngayon ka lang?" salubong sa akin ni Gino nang pumasok ako sa inuupahan naming apartment ni Marga. Lagpas isang buwan na rin kami dito sa tulong niya.

"Sa Marga?" tanong ko na lang at ibinaba ko ang bag ko sofa saka pagod na naupo ako doon.

Two weeks pa lang ako sa bago kong trabaho pero tambak na ako ng loads kaya ginagabi ako lagi. Nag-resign na ako sa KingAd Global simula nang malaman kong may bago kaming Country Manager. Isa lang kasi ang ibig sabihin noon, wala nang balak na bumalik si Iñigo kung saan mang lupalop siya naglulungga ngayon.

Masyado na ring matanong ang mga katrabaho ko sa amin ni Iñigo at hindi ko na alam kung anong isasagot ko. Pinili ko na lang umalis para hindi na nila ako pagchismisan. Nakatulong din ýung pag-alis ko do'n para makapagsimula kami ni Marga. Ýung last pay at pro-rated 13th month pay ko nagamit ko sa pagkuha ng apartment para sa aming dalawa at pang-tuition niya para sa ngayong semester, third year pa lang siya sa kursong Computer Science. Balak niya sanang tumigil muna pero hindi ko pinayagan. Kung kinakailangang igapang ko siya para matapos niya ang pag-aaral ay gagawin ko, huwag lang siyang mahinto.

"Nasa kwarto na, baka tulog na ýun. Pa'no diyan ka na, uuwi na ako."

Tinanguan ko siya. Diyan lang naman sa katabing pinto ang apartment niya. Wala na siya doon sa mga pinsan niya sa Pasay. Dalawang kaibigang lalaki na ang ka-share niya sa kwarto.

Nang makalabas si Gino ay saka ako tumayo. Kanina pa ako nahihilo malamang ay dahil sa gutom. Ilang araw ng masama ang pakiramdam ko pero hindi naman ako makaabsent dahil kakasimula ko pa lang sa trabaho.

Habang papunta ako sa kusina ay napasapo ako sa aking bibig. Para akong masusuka na hindi ko mawari kaya napatakbo na lang ako sa cr. Matagal akong nagduwal at halos manghina ako pagkatapos. Nang lumabas ako at bumalik sa kusina ay napakapit ako sa monoblock na upuan dahil nagdidilim ang paningin ko, hanggang sa tuluyan na nga akong natumba.



***


December 03, 2009

Dear Diary,

Bayaga ang silid na namulatan ko. Puti ang paligid at nang subukan kong bumangon ay saka ko napansin ang isang manipis na hose na nakakabit sa braso ko. Noon pumasok si Marga at Gino na kapwa mga nag-aalala ang mukha.

"Buti naman at gising ka na Ate, kamusta ang pakiramdam mo?"

"Anong nangyari? Ba't ako nandito?" takang tanong ko lang kay Marga. Nagkatinginan pa sila ni Gino bago siya muling tumingin sa akin at nakikisimpatyang ngumiti.

"Bakit hindi mo sinabi sa amin na buntis ka Ate?"

Nanggilalas ako sa sinabi ni Marga. Parang hindi ko pa mapaniwalaan iyon kaya inulit ko para sigurado. "Buntis? Ako?"

"So hindi mo rin pala alam." Naupo siya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. "Seven weeks Ate. Muntik ka nang nakunan dahil sa pag-collapse mo. Pero sabi naman ng doctor safe na daw si Baby. Kailangan mo lang daw ingatan dahil mahina daw ang kapit ng baby."

"May mga niresetang gamot si Dra. Cruz, bibilhin ko lang at ako na rin ang mag-aayos ng bills mo para makalabas ka na rin mamaya," sabi pa ni Gino at tinapik pa sa balikat si Marga bago lumabas.

Bumalong naman ang masaganang luha sa mata ko at napahawak ako sa manipis na tiyan ko. Ni hindi ko naisip na mabubuntis ako ng wala sa oras, pero masaya ako dahil produkto ito ng pagmamahalan namin ni Iñigo. Atleast may makakapagpaalala sa akin na minsan naramdaman ko ang pagmamahal ni Iñigo. May dahilan na ulit ako para maging masaya.



Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon