05 - Forget him...

199 5 7
                                    

....

"Hoy loves tara!" pukaw sa akin ni Gino. Dahil pre-occupied na naman ako, hindi ko namalayan na nakasakay na pala sila ni Marga sa motor. Umangkas na rin ako sa likuran ni Marga.


"Hoy Gino, nasaan na si Iñigo? Hindi siya sasabay sa atin?" usisa ni Marga, lihim pa niya akong siniko.


"Naku hindi. Baka itinanan na 'yon ni Dennis," natatawa namang sagot ni Gino. Ang Dennis na tinutukoy ay ang baklang isa sa kaniyang masugid na taga-hanga.


Binatukan naman ni Marga si Gino. "Seryoso kasi!"


"Huwag ka ngang nananakit. Hindi naman kita girlfriend."


"So kailangan maging boyfriend ka para masaktan ka?" Marga dear, you're too obvious na talaga.


"Alam mo kapag naging girlfriend ko ang Ate mo, kahit bakal pa ang kamay niyan hindi ko 'to mararanasan, gusto mo malaman kung bakit?"


"Hindi ako interesado," sabay bawi naman ni Marga. "Tayo na nga, ang daldal mo ih."


"Halah, ikaw kaya dyan ang imik ng imik."


Feeling ko chaperone lang ako nitong dalawang ito eh. Hay... hindi ba sila tatahimik na dalawa? Talo pa nila mag-asawa magbangayan.


Kahit nang patakbuhin na ni Gino ang motor hindi pa rin sila naaawat sa pagpapalitan ng salita ni Marga. Mas okay na rin, kaysa ako ang kulitin ni kumag.


Nasa kalaghatian na kami ng tinatakbo ng bumusina si Gino. Tumigil pa. Sumikdo ang dibdib ko nang makita ko kung sino ang hinintuan niya at kung bakit.


"Brod, una na kami. Huwag kang magpapagabi, may curfew dito," sabi ni Gino.


"Actually pauwi na kami, let's go Biance." Kitang-kita ko nang alalayan ni Iñigo si Bianca Mendoza. Ang Mutya ng Barangay na nag-aaral sa LC. Iniyakap pa nito ang braso sa bewang niya. Sumaludo pa siya kay Gino bago pinasibad ang motor.


Pakiramdam ko ay unti-unting pinunit ang puso ko sa sobrang sakit. Naninikip ang dibdib ko.


May girlfriend na sya Diary. Bakit may iba pa? Masakit na 'yung Manilenya sa dibdib, bakit kailangan pa niyang dagdagan ng Bianca? And take note, Biance ang tawag niya ha. Biance?


Hindi pa siya nakontento sa isa? Anong klaseng tao na ba siya ngayon? Nasaan na ang Iñigo na gentleman at palangiti na nakilala ko? Bakit siya nagbago? Anong nangyari sa kaniya?




        💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖💖



May 02, 2007

Dear Diary...


Hay, sumasakit ang ulo ko. Ang hirap naman nito. First time ko naging judge sa isang contest. Bisperas ng barangay fiesta ngayon at kinuha ako ni Kuya Simon na judge dito sa Amateur Singing Contest. Ako kasi ang nag-champion last last year pa--2005. Si Marga last year--2006. Sya nga ang tinutulak kong pumalit sa akin, kaso ayaw niya. Ano daw alam niya sa ganito. Eh ako rin naman. Malay kong mag-judge. Heto nga at hindi ako magkaintindihan sa tally ko. Magagaling kasi ang lahat ng contestant at base sa pag-score ko sa kanila tie sila lahat sa'ken---hehe! Paano kaya?


"Base sa mukha ng ating mga Judge mukhang nahihirapan sila sa pagdedesisyon kung sino ang dapat manalo sa patimpalak na ito," anunsyo ni Kuya Simon. Nasa may stage siya, nang sumulyap siya sa akin ay nginiwian ko siya para patotohanan ang kaniyang sinabi. Napangiti naman siya. "Habang hindi pa buo ang final desisyon ng ating jury, haharanahin muna tayo ng espesyal nating panauhin ngayong gabi," patuloy pa ni Kuya Simon.


Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon