39 - Mahal

52 3 0
                                    

"What's wrong Megan?" puno nang pagtataka ang mukha ni Iñigo na napatayo din. Napaatras naman ako.


"Inaantok na ako Iñigo," sabi ko lang at humakbang na ako patungo sa kwarto.


"Megan wait," habol niya sa akin at mabilis na naiharang ang katawan sa daraanan ko. "Na-offend ba kita? Sorry. Hindi naman kita pini-pressure, I'm sorry," tinangka niya akong hawakan pero napaatras lang akong muli kaya bumadha ang pag-aalala sa mukha niya.


"I'm just worried Iñigo," kinakabahang pag amin ko.


"Na baka may mangyari sa atin?" Napangiti na siya doon. "Don't worry Meg, hindi tayo aabot sa iniisp mo-"


"Hindi naman ýun eh!" napipikon na sabi ko. Ano bang iniisip ko ang sinasabi niya? Akala ba nya iniisip ko na may mangyayari sa aming dalawa? Gosh! How gross!


"Worried lang ako kase noong una mo akong hinalikan sinabihan mo akong kalimutan na kita, ýung pangalawa nag-sorry ka kase wala kang ibang nararamdaman para sa'ken, ngayon anong sasa-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya akong kinabig sa batok at inilapat ang labi sa akin.


Halip na itulak ko siya ay napapikit na lang ako at tinanggap ang kaniyang halik. All the concern I had in my mind before was gone in instant and I'm completely lost. Niyakap niya ang isa niyang braso sa bewang ko at mas pinalalim ang halik. He owned my lips, marking every corner as his territory. He made me feel how much he misses kissing my lips.


Nanlambot ang mga tuhod ko. Ang mga kamay kong nasa pagitan ng dibdib namin ay iginalaw ko at inihawak sa tagiliran ng kaniyang t-shirt. His kiss is longer than before, parang hindi siya nagsasawang tikman ang labi ko at halos mawala na ako sa katinuan.


"I love you," he whispered after that breathtaking moment. Kapwa kami naghahabol ng hininga. "I love you Megan. Ýan ang paulit-ulit kong sasabihin saýo. I love you." Hinalikan pa niya ako sa noo at muli akong niyakap.


Napangiti na lang ako. Nag-uumapaw na sa kaligayahan ang dibdib ko.


"Wala man lang bang sagot dýan?" biro niya at bahagya akong inilayo at tiningnan ang mukha ko. Natawa naman ako. "Parang wala pa akong naririnig na I love you galing saýo, mula kanina?"


"I love you too Mr. Iñigo Adams. Isisigaw ko pa ba?" ganting biro ko.


Siya naman ang tumawa at inakay na ako papunta sa guest room niya.



***


September 13, 2009

Dear Diary,


Ito na siguro ang pinakamaganda sa lahat ng gising ko. Nakatulog ako ng mahimbing dala ang pagmamahal ni Iñigo, at nagising ng may magandang ngiti sa labi.


I open my eyes, only to see
Just how sad this world could be
That I often cry alone


Noon, kung hindi pa ako pipilitin kumanta, hindi ako kakanta. Simula yata nang masaktan ako ni Iñigo parang nawala na ang sigla ng boses ko. Hindi ako ganahan kumanta. Hindi na rin ako nakakapag gitara. Nawalan din ako ng hilig makinig ng music. Madalas kasi tearful song at dahil nasasaktan lang ako natakot na akong makinig. Pero ngayon, kusang umaawit ang puso ko. Hindi ko mapigilang ilabas sa kanta ang sayang nararamdaman ko.


I look at the sky, longing to see
There's a chance out there for me
For my heart to be set free

My friends all say that it's okay
When rainbows fade in clouds of gray
But in my heart I know someday
True happiness will come my way

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon