33 - There's Nothing More

40 2 0
                                    

Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa ginawa ni Euseph o ano. Magulo ang isip ko at lalo pa niyang pinagulo. Hindi na ako komportable sa yakap niya kaya itinulak ko siya. Noon ko nakitang wala na si Iñigo sa kaniyang upuan at nakita ko siyang mabilis na naglalakad papalayo sa amin kasunod ang kaniyang secretary.

"Meg-"

"Not now Euseph," putol ko sa kanya at mabilis kong sinundan si Iñigo. Hindi ko na ininda ang maaaring isipin ng mga katrabaho ko, ang mahalaga sa akin ng mga oras na iyon ay makausap si Iñigo.

"Iñigo!" tawag ko sa kanya nang makalabas ako ng cafeteria. Pareho silang napatigil ng kaniyang secretary pero ang secretary lang ang lumingon sa akin.

Nilakihan ko ang hakbang palapit sa kanila at humarang ako sa harap ni Iñigo. Blangko pa rin ang mga mata niyang nakatingin lang sa akin.

"Mag-usap tayo," buo ang boses na sabi ko, hindi alintana ang paninikip ng dibdib ko dahil sa mabilis na paglalakad ko kanina.


Nilingon niya ang kaniyang secretary at tinanguan. Mabilis namang umalis ang secretary at iniwan kaming dalawa. Akala ko ay dito na kami sa hallway mag-uusap pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako paalis. Sa hagdan patungo sa rooftop kami humantong, siguro ay ito ang pinaka secluded na lugar na alam niya kaya dito niya ako dinala.

Noon lang niya binitiwan ang kamay ko. Ipinamulsa niya ang kamay niya at tila pagod na sumandal sa pader.

"You shouldn't have left Euseph to chased me," aniya sa pagod na boses.

"May gusto lang akong itanong saýo," napapalunok na sabi ko. "Sagutin mo lang ako ng oo o hindi." Hindi siya sumagot at matiim na tumitig sa akin na waring naghihintay sa itatanong ko.

Inipon ko na lahat ng lakas ng loob na meron ako para itanong sa kanya lahat nang gumugulo sa isip ko. It's now or never. Susugal ako ulit para sa puso ko.

"Saýo ba nanggaling ýung bulaklak kanina?" simula ko. Ang gusto ko dapat itanong sa kanya ay kung bakit niya ako binigyan ng bulaklak, pero baka hindi niya sagutin kaya ako na lang ang bubuo ng sarili kong conclusion pagkatapos.

Halos hindi siya kumukurap nang sumagot. "Yes."

"Yung Hot choco at isang stem ng pink rose last month, saýo din ba ýun galing?"

"Yes."

Muli akong napalunok. Why he's answering my question that easily? Bakit inaamin niya ang lahat? Malakas na malakas ang kabog ng dibdib ko pero hindi ako nagpatinag. Kailangan kong samantalahin ang pagkakataon habang matino pa siyang kausap.

"Ikaw ba ang dahilan kaya nandito ako ngayon sa KingAd?"

"Yes."

"N-noong kumuha ako ng board exam, nandoon ka ba dahil sa akin?"

"Yes."

"N-noong graduation ko, nandoon ka ba para makita ako?"

"Yes."

Yes lahat Diary. Mahal ba niya ako? Magdidiwang na ba ako?

Nagka-cloudy na ýung mata ko. Gusto ko nang maiyak dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Hindi naghihiwalay ang mga mata namin at kahit hindi ko mabasa ang sinasabi ng mga tingin niya sa akin malinaw na ang ibig niyang ipahiwatig.

Muli akong lumunok bago nagpatuloy. "N-nagseselos ka ba kay Euseph?"

Mas matiim ang naging titig niya sa akin ngayon na akala ko ay hindi niya sasagutin ang tanong ko. Pero mas namangha ako sa isinagot niya.

Casanova's DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon